C47

3K 221 98
                                    









"Umagang kay landi."
Parinig ni Chess habang umiinom ng tubig na nakatingin sa'min.

Inirapan ko lang siya at umiling-iling.Binalingan ko si Elperes na kakapunta lang dito sa kwarto namin.Nasa itaas na palapag ang kwarto ng mga boys kaya ang mga kaklase naming kakalabas lang sa kwarto nila ay sumusulyap sa gawi namin na naguguluhang bakit pumunta siya dito.




"Mabulunan ka sana."
Biro ko kay Chess.Mapang-asar pa rin ang titig niya sa'min, lumagok ulit siya ng tubig at biglang nabulunan.

Tinawanan ko siya.
"Ayan kasi..."
Pagkatapos ay tiningnan ulit si Cloud.




"Bae,we're heading at the restaurant.Sabay na tayo."  aniya.

Tumango naman ako at ngumiti.





We're back again.Alam na rin ng mga kaibigan ko pati ang kaklase kong madaling kumalap ng balita.

Gusto kong kausapin si Drew pero umiiwas siya sa'kin.Hindi man lang niya ako kinausap o kung ano.I hurted him so much.Alam ko namang may nararamdaman siya sa'kin pero kahit saang direksyon pa ako tumingin,hinding-hindi ko masusuklian ang pagmamahal na iyon.Mahal ko siya bilang kaibigan at iyon ang totoo.

Ang iba naming kaklase ay nauna ng kumain kanina kaya kami na lang ng mga kaibigan ko at ang kasamahan ni Cloud.

We all started eating.Ang iba ay kaniya-kaning pinag-uusapan.









"Pst,Sashkie."
Mahinang tawag ni Chess na nasa gilid ko lang kaya napatigil ako sa pag nguya ng pagkain.


"Hm?"



Ngumuso siya at dinikit ang kutsara sa labi niya kaya nagmumukha siyang parang bata.

I chuckled.



"Ano?"
Tanong ko.


"Tungkol sa sinabi mo...basta!Hindi ko gets ang nangyari sa inyo.Hindi kasi detailed ang pag-kwento mo sa'min e!"
aniya.

I breathe heavily.


"Ano ba ang gusto mo?I de-demonstrate ulit ang nangyari?Basta nagkaayos na kami,"
sabi ko.

Humigop naman siya ng juice bago ulit tumingin sa'kin.




"And what about Elise?Hindi ba may something sa kanila?"
Naguguluhan niyang tanong.

Umiling ako.



"Walang namamagitan sa kanilang dalawa." sagot ko.

Kunwari naman siyang nag-iisip.



"How can you be so sure?I mean,she's a slut!Inaagaw niya ang dapat na sa'yo.She did not even have the courage to apologize!"
Naiinis niyang sabi kaya napalingon sila Polene at Karina na kaharap namin sa lamesa.




"Nag sorry na siya kay Cloud.Pinagsisihan na rin niya ang ginawa niya kaya pinapatawad ko na siya."
Ngumiti ako kay Chess to assure her that everything is gonna be alright.

Ngumiti din siya ng kaunti na parang tutol pa din siya kay Elise.




"Kung sakaling may balak na naman 'yang babaeng iyan,hindi ako magdadalawang isip na itatapon siya sa kabilang planeta."

Natawa naman ako sa sinabi niya.





Binalingan ko si Cloud na nasa kabilang gilid ko lang.He was smirking when he typed something on his phone.Dahil sa kuryosidad ko kung ano ang pinag-aabalahan niya ay pasimple akong sumilip sa kaniyang cellphone habang dahang-dahang nginuya ang pagkain ko.



The Bad Boy's ChaseDove le storie prendono vita. Scoprilo ora