C48

2.7K 194 34
                                    

Dedicated to all of you!♡





Naghihiyawan ang mga kasamahan ko dahil magrarakaroon ng watersports.Hinati kami sa tatlong grupo para sa activities na gagawin namin.Kanina ay nag try din ang iba ng exhilarating water activities kagaya ng Jet Ski,Paddleboarding,Windsurfing,Kiteboarding at iba pa.

Kahit kanina pa kami nag e-enjoy ay hindi pa rin napagod ang ilan,ang iba naman ay nagpahinga ng kaunti.We are all wearing personal flotation device (PFD) for our safety.Bawat grupo ay nakaupo na at handa ng maglaro.Tumingin ako sa gawi ni Cloud kung saan siya nakaupo.Nasa harapan siya nakaupo.Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa'kin.

He smiled,I smiled back.









"Ready...go!" Sigaw ng isang kaklase namin na hindi sumali sa boat racing.May sumenyas na leader-leaderan naming si Dos kung saan kami mag sa-sagwan.

"Sagwan pa!"


We keep on paddling using our oars.Mas nauna pa kesa sa'min ang grupo nila Drew.Ang nakasunod naman nila ay ang grupo nila Cloud at kami ang panghuli.




"Don't lose hope!Kaya natin 'to!Sayang yung prize!"
Sigaw ng isang lalaking ka-grupo namin na nasa likuran ng bangka.



"Ano ba yung prize?"
Tanong ng nasa likod ko.




"Candy tsaka stick-o!Ang galing 'di ba?Ang dadamot niyo mag premyo!"
Sigaw ng nasa kabilang bangka na nakarinig sa tanong.



Nagsitawanan naman kami.

"Ooops!Hinay-hinay lang sa pag-ikot!"
Sumenyas si Dos at nagsagwan ulit kami.Dalawang round bago matapos ang laro.Paunahan lang talaga para manalo.

Still,nasa panghuli pa rin kami dahil masyadong kaming mabagal.Nagsigawan sa saya ang kagrupo nila Cloud nang naunahan nila ang kagrupo ni Drew.





"Yes!For sure kami mananalo!"
May sumigaw.

"Hala!Madaya yun e!Kinidhatan kasi ni Cloud ang mga babaeng kasama ko!Ayan tuloy huminto sila!"
Sigaw ni Gal kaya natawa ang iba.

"Technique yun 'no."
Pagmamayabang ng napakagaling na si Elperes.


"Ahh ganoon pala?Pwede gumamit ng powers?"
Tanong ni Dos.

Aba!Nag-uusap habang naglalaro.

"Anong powers ka diyan?"





"Yung powers!Kagaya ng ginawa ni Cloud.Yung kumidhat lang napahinto ang kasamahan mo."

I chuckled sabay sagwan.




"Pwede!"
Humalakhak ang isa

"Sasha!"
Tawag ni Dos sa'kin at binalingan ako galing sa likod niya.

"Ano?"
Medyo malakas kong tanong para marinig niya.

"Pwede mo ba gamitin ang powers mo?"
Tanong niya habang patuloy ang pagsagwan ng kagrupo namin.

"Ha?"
Parang tanga kong tanong.



"Powers mo!Gamit mo ang powers mo para ma distract si Cloud tutal boyfriend mo e may potential ka!"
Humalakhak ang kasamahan namin sa kalokohang naisip ni Dos.


"Hindi ko gets."
Tanging sabi ko.

Bumuntong hininga siya.
"Try mong sabihin ng kahit anong nakakapag distract sa kaniya.Sige na..."

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now