C23

3.2K 257 42
                                    

Dedicated to:
@WinterbearKim283018
@melissajaneangeles
@kiesh_cpnhn
@freche15
@Ms-blueclyne



Tahimik lang ako habang nag mamaneho siya.It's so awkward.Hindi ko talaga inakala na gusto niya ako.Hindi ko rin mapigilang maisip na sana'y si Sky na lang ang may gusto sa'kin.Ayaw ko namang masaktan si Elperes kaya hahayaan ko nalang siyang gustuhin ako.

"Sa'n mo gustong pumunta?"
He set his eyes on me.Kumunot ang noo ko.Syempre kung sa'n yung tutulugan ko.

"Sa tinitirhan ko malamang."

"No,I mean,saan tayo tatambay.At pagkatapos nun ay iuuwi na kita sa condo mo."

What?

"Huh?Bakit saan ba dapat ako pupunta?"
Tanong ko.Ngumisi siya.

"Kung sa'n mo gusto.Just please,give me a chance this time.I want to spend more time with you,Valdico.Yung ikaw at ako lang na wala kang ibang taong iniisip excluding me.Gusto ko ako lang ang iniisip mo kapag kasama mo'ko."

Sinsero ang pagkakabigkas niya.Bawat salita ay tagos talaga sa'kin dahil alam kong buong puso niya iyong sinabi yung walang halong biro.Alam ko naman kung paano siya magbiro but this time,he's not playing around.

Napakagat ako ng labi.Okay,just this time.Pagbibigyan ko na lang 'to!

"Okay,sa theme park ba?"
Tanong ko.

"Okay."
Tanging sagot niya

Tinuon ko lang ang mga mata sa bouquet niyang binigay sa'kin.Habang nagmamaneho pa siya'y biglang kumalam ang tiyan ko.Patago akong kumain ng binigay niyang chocolates.

Ang sarap!

Halos maubos ko kakakain ang chocolates.Nakakaadik!

"Nandito na tayo."

Sa bintana ay kitang kita ko ang mga iba't-ibang ilaw na naka dekorasyon ng mga palaro sa theme park.

Tinawag niya ako kaya lumingon ako sa kaniya.

"Hmmm?"

Kumunot ang noo ko dahil mukha siyang nagpipigil ng tawa.

"Anong tinatawanan mo riyan?!" iritado kong untag.

"Akala ko 'di mo kakainin ang chocolates.Sarap 'no?Lalo na 'yung nagbigay." Humalakhak siya na agad ko namang binatukan.

Ang lalaking 'to!Leche!

Inirapan ko siya habang nilinis ang bibig ko gamit ang kamay.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nabigla ako sa ginawa ni Elperes.Pinaghawak niya ang kamay namin.Yung tipong parang magkasintahan kami.

Sobrang weird.Parang napapaso ako sa kamay niya.

"Aba!Wala kang permisong hawakan ang kamay ko.Ano ba talagang trip mo?"

"Still confuse?"
Napatingin ako sa kaniya.

"Sa!"galit kong tanong.

May ibang nakatingin sa amin specifically kay Cloud.Pa center of attraction talaga 'tong si Elperes pagdating sa mga babae!
Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko sa kaniya at nagkunwaring napakamot sa batok.

"Huwag ka ng mabigla kung bakit gusto kita."
Tiningnan niya ako.Hinawi niya ang buhok kong nakatakas at isinabit sa tenga ko.

Agad kumalabog ang dibdib ko.Shit!

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now