C26

3.1K 241 55
                                    






Hindi ko tinapunan ng tingin si Cloud.Nauna na akong bumaba sa bleacher.Magpapalusot lang ako sa tatlong mag cr.

Pumayag lang siyang halikan ng babaeng iyon?Hindi man lang siya nagagalit?Sabi niya sa'kin gusto niya ako pero bakit nagpahalik siya?

Napailing ako.Hindi ibig sabihing sinabi niya ay totoo na agad.Baka papaasahin lang niya ako katulad sa issue niyang may pinaasang babae!Baka ako na naman ang target niya?

Mas lalo akong nainis sa iniisip ko.

"Bad mood?"
Napatigil ako sa paglakad nang magsalita si Sky.Pawis na pawis din siya katulad ni Cloud.

"Hindi naman."
Tanging sagot ko.

Sumulyap ako sa likod kung saan nakatayo si Cloud at 'yung pandak na babae.Saktong napatingin din siya sa'kin ng seryoso habang ang babae ay nagpupunas ng pawis sa noo niya gamit ang tuwalya.

Kainis!Hindi man lang siya pumalag sa babaeng iyon?Inirapan ko siya at muling bumaling kay Sky na nakangiti.

"Sabay kana sa'min nila Veigh (Sav)?Inaya niya kase akong gumala e."

"H-huh?Busy ako!Kayo na lang."
Ayaw kong makihati sa oras ni Sky.Sav deserves him.

"Oh,so...see you!"
Ngumisi siya at tumango para mag paalam

Nauna na siyang naglakad paalis.

Umalis na rin halos lahat ang nasa gymMuli akong bumaling kay Cloud.Nagtaka ako dahil wala na 'yung babae.Nakatingin parin siya sa akin,papalapit sa gawi ko.

Dali-dali akong naglakad papalayo.Dapat lalapit siya doon sa babae niya!Tutal gusto niya naman yun,okay lang sa kaniya na halikan siya!

Pinapakita lang niya na hindi siya seryoso sa'kin.

"Iniiwasan mo ba ako?"
Hinawakan niya ang braso ko.Inis ko siyang tiningnan.Kumunot ang noo niya.

"Ano?Hindi!"

"Galit ka ba sa akin?"tanong niya.

"Bakit naman ako magagalit?!"
Hinawi ko ang kamay niya.

"E ba't sumisigaw ka?" untag niya.

"Sumisigaw ba'ko?Hindi naman!"aniko.

Bumuntong hininga siya.

"Ano bang kasalanan ko?Sabihin mo
'Tsaka anong pinagusapan niyo kanina ng kapatid ko?" Pinanliitan niya ako ng mata.

"Nakialam ba ako kanina sa babae mo?At wala ka ng pakialam kung ano ang pinagusapan namin ng kapatid mo,"
Aalis na sana ako pero hinarap niya ako sa kaniya.Nasa balikat niya parin ang tuwalyang pinunas ng babae sa kaniya.

"Nagseselos ka."wika niya sabay ngisi.Kumunot ang noo ko.

"Kung may problema ka sa babaeng iyon,pwes,wala po akong gusto sa kaniya.Sa iyo lang ako nagiging intersado.I love you." Bulong niya sa tenga ko.

Halos lumabas na ang puso ko dahil sa kaba.He's scent touches my nose.Ang bango.

The way he said I love you.I admit it,kinilig ako.'Yung inis ko kanina ay biglang nawala.Isang porma lang niya ay nawawala lahat ang galit ko.Shit lang.

Tinulak ko siya para mapalayo sa'kin.

"Gusto mo ba talaga ako?"
I confronted him.

"Hindi kita gusto."
Sagot niya.I knew it.

The Bad Boy's ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon