C36

2.7K 211 30
                                    

"Totoo nga Chess.Sinabi niya nga iyon!"
Tumili si Polene na agad hinampas ni Chess.

"Shit!Dapat nandoon ako e!"

"Nahuli na kami sa balita."
Nakangusong si Karina at nagpapadyak pa.

Matapos iyon sabihin ni Cloud.Their whole attention are on me because it's now my turn.Hindi ko alam ang isasagot.Si Polene ang may kasalanan!

"Wala akong gusto."

Nabigla sila maliban kay Cloud na tahimik lang.Napalunok ako bago magsalita pero inunahan ako ng kaibigan ni Elperes.

"Imposible!E si Cloud peke ba 'yan?!"
Sigaw ni Lloyd sabay turo sa katabi ko.

"Hindi ko siya gusto.Mahal ko 'yan!"
Sagot ko na ikinatamim nila.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas na sabihin iyon.Sinunod ko lang ang sinasabi ng puso ko.Hindi na talaga ako mapakali ngayon!

"E ano namang sinabi mo?!"
Hinawakan ni Chess ang magkabilang braso ko.

Bubuka sana ang bibig ko para magsalita kasi inunahan ako ng isang magaling kong kaibigan.

"Eto namang si Sasha landede din!
Sinabi niya pang hindi ko siya gusto.Mahal ko 'yan!"
Panggagaya niya at iniba pa ang boses!Matapos ay humagalpak ng tawa.Nasapo ko na lang ang noo ko.Shit.Humagalpak naman ng tawa ang dalawa.

"Taray!"
Humagikgik si Karina at hinampas ako.

"Aray naman!"
Inis kong sigaw.

Kaya ayaw kong tumabi sa kanila kasi nananakit!

"May tinatago ka palang kapokpokan ah!Paturo naman!"
Pagbibiro ni Chess at tinawanan ako.Inirapan ko siya.

"Hindi na kailangan.Mas pokpok kaya kayo!" Sigaw ko pabalik.

"Pero totoo?!Sinabi niya iyon?"
Hindi pa rin maka get over si Karina.
Nginiwian ito ni Polene.

"Paulit-ulit?"
Napanguso naman ang isa.

"Sino kayang babae ang tanong nang tanong kung one forth ba ang papel sa quiz e nag instruct na si Miss."
Pagpaparinig ni Karina kaya nabara ang isa.Natawa ako at napailing.

"Dapat nandoon si Elise para rinig niya ang landian ninyo!"
Sabat ni Chess.

Hindi naman landi yun 'diba?Katotoohan iyon!Katotohanan hindi landi.Malay ko bang mahal pa niya ako.

Natigilan kami dahil may biglang tumikhim galing sa pintuan ng classroom namin kaya napalingon kami.Nanlaki ang mga mata ko.

"Ano?"
May pagkairitang si Chess.

"Uuh,nandito ba si Cloud?"
Tanong ni Elise.May dalang pagkain.Tiningnan niya ang paligid kung nandito ba ang taong hinahanap niya.

Kita kong napairap sa kawalan si Polene at nag kibit balikat.

"Nakikita mo namang kami lang ang nandito 'diba?"
Sarkastikong si Polene.Sinita ko naman agad ito para tumigil sa pagatataray.But Polene is unstoppable.

She's just asking.Nailang naman bigla si Elise at mahigpit na napahawak sa dala niya.

"Wala siya dito Elise."
Pormal kong sagot.Sunod-sunod ang tango niya.Akala ko ay sapat na ang sinabi ko para makaalis na siya pero may sinabi pa ito.

"May narinig akong usapan ninyo tungkol kay Cloud,right?" Tanong niya ulit.

"Chismosa mo girl.Umalis ka na.Nakakaabala ka sa usapan namin."
Nakangiwing si Chess.Natawa naman ng mahina ang dalawa.Napailing ako dahil sa pagtataray nila kay Elise.May galit talaga sila sa kaniya.

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now