C24

3K 246 45
                                    

Nakatabon ang mukha ko sa unan habang nakahiga sa kama.Napapikit ako ng mariin.What happened last night is bugging me everytime!

Ni hindi ako makatulog kakaisip nun.Napasabunot pa ako sa sarili kong buhok.Bakit pinatulan ko pa siya.Bumalik na naman ang scenario na iyon kaya nagwala na naman ako. Bakit ako kinikilig?

Pero mas nangingibabaw ang inis ko sa sarili at sa kaniya!

I tried my best to avoid Cloud earlier.Hindi ko siya sinusulyapan,hindi ko rin siya tinapunan ng tingin kahit alam kong nakatitig siya sa'kin.May oras na lalapit sana siya sa gawi ko pero nagpapalusot ako para maiwasan lang siya.

Tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko ito sa gilid ng kama.Bumungad sa'kin ang mensahe ni Elperes.Kumalabog ang dibdib ko.Babasahin ko ba o hindi?

Pinindot ko ang message niya sa messenger.He's using his new account.

Cloud:

Are you ignoring me?

Napalunok ako.I felt guilty,totoo naman kasi.

Me:

Huh?di ah.

Patuloy kong tinatanggi ang mga sinasabi niya.

Cloud:

Ni hindi moko kinausap.

Napakagat ako ng labi.Naiimagine ko na naman ang mukha niya.Lalo na nung naghalikan kami.Gosh!

Me:

Busy kase ako.Marami akong iniisip kaya tumahimik ka.

Cloud:

Ayan kasi.Wag mo na akong isipin ayan tuloy.

Me:

Busy ako at hndi yon dhil sayo!Che!Feelingero.

A
yoko na pahabain ang pinag-uusapan namin kaya agad kong pinatay ang phone.Matapos kong kumain ay kalaunan nag half bath ako.Nagbihis na'ko ng terno na damit.I checked the time,alas-11 na pala.

Kailangan ko pang mag review kaya nag-study ako.Nagtimpla ako ng kape para hindi ako makatulog.Pasado 12pm na't nag re-review parin ako.Hindi kase tumatatak sa kokote ko.

I got interrupted dahil nag vibrate ang phone ko.Someone's calling.Sa sobrang antok ko ay 'di ko na nabasa kung sino ang tumawag.

"Hello?Anong atin?"
Bumuntong hininga ako habang nakapikit dahil sa antok ko.

"Hindi ako makatulog,Valdico."
Rinig ko sa kabilang linya.

Namulat ako sa boses na iyon.Si Elperes lang din naman ang tumatawag sa'kin na Valdico.

"E ano ngayon kung 'dika makatulog?"
Sarkastiko kong tanong.

Tinawagan lang niya ako para sabihin na 'di siya makatulog?Ang lakas talaga ng trip ng lalaking ito!

"Problema mo din kung ba't hindi ako makatulog."
Sagot niya.

Napangiwi ako sa inis.

"Ha!Ano?Bakit ko naman po-roblemahin ang problema mo e hindi naman ako ikaw?" sarkastikong na pagkasabi ko.

Ako pa talaga ang kasalanan kung ba't hindi siya nakatulog.Ako nga dapat ang sumisi sa kaniya dahil sa ginawa niyang paghalik sa'kin kahapon e!

Mabisa pa yata siya sa kape kase dahil sa inis ko ay nawala ang antok ko.

"Kasi ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog."
Aniya.

Napahilot ako sa sintido ko.

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now