C29

2.8K 219 52
                                    

The examination turns out a success.Confident ako sa mga sinagot ko.
Nagtatawanan kami sa pinag-usapan namin dito sa soccer field para din magpahangin.

"May kilala ba kayong Elise?"
Tanong ko sa tatlo.Natigil ang pag-uusap nila at lumingon sa'kin.Hindi ko mapigilang magtanong.

I'm really curious of that girl.

"Bakit mo natanong?"
Ani Karina.Napabuntong hininga ako.

"Nevermind."

"Elise?Hmm...seems familiar."
Nag-iisip na si Karina na kalaunan ay biglang pumalakpak.

"Ah!You mean Elise Menjavor?Cheer leader yun.Maraming nanliligaw nun pero nireject niya lahat kase sabi nila there is something with Elise and Cloud."
Paliwanag ni Karina.

Hindi ko gusto ang narinig ko.Kung may pagitan man silang dalawa,pa'no ako?
Ano ba yung pinapakita niya sa'kin?Akala ba niya na laro lang ang lahat?

Parang sinaksak ang puso ko sa mga iniisip ko.Unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kaniya, nagseselos na ako at parating bumabagabag kung anong meron sa kanila ni Elise.

"Oh that girl!Iyon yung babaeng parating nakasunod kay Cloud.Halos alam na ng lahat na may gusto yun.Obvious naman kase bigla-bigla na lang niyang hinahalikan si Cloud ng walang permission at parati niyang pinadadalhan ng kung anong regalo.Atat na atat talaga siya kaya ayaw ko sa kaniya e!Para kasing linta."

Naiiritang si Polene.

Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan namin tungkol sa Elise na iyon.Marami na akong nakalap na impormasyon sa kaniya.Siya yung babaeng tinapunan ako ng pagkain,siya din yung nagpunas at biglang humalik kay Cloud nung practice nila.

"At alam niyo 'yung dating kumakalat balita noon dito sa campus about kay Elise at Cloud? Yung maghuhubad na sana siya ng damit sa harapan ni Cloud para akitin niya.Gosh!Nababaliw na talaga siya!"

Nandidiring si Karina.Napanganga na lang ako.Ginawa niya yun?Umigting ang panga ko sa gigil.Ano kaya ang ekspresyon ni Cloud?Siguradong nagustuhan niya!

"At eto pa!I am pretty sure na may gagawin niyang kataranraduhan si Elise.I think she knows that Cloud is courting Sasha!" dagdag niya pa.

Napatingin sila lahat sa akin.Tinaasan ko sila ng kilay.Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha agad.

"Hello?"

"Where are you?Kung saan-saan kita hinanap."
Rinig kong hingal na hingal siya.Nanlaki ang mata ko.Hinahanap niya ako?

"Nagpapahangin lang,"
Kaswal kong sagot.

"Saan?Sino kasama mo?"

"Kaibigan ko."

"Sinong kaibigan?"

"Kailangan ba talagang detalyado?"
Sarkastiko kong tanong pabalik.

"Hmm.Baka 'yung Drew na naman 'yan."
Suplado ang tono niya.Napairap na lang ako.Possessive masyado.

"Babae ang kasama ko.Nandito lang kami sa field."

Agad niyang in-end call.Aba!Binabaan ako.Walang hiya.

"Ehem."
Umuubo pa ang tatlo.Alam ko namang nanunukso sila e.Kalaunan ay sumigaw si Chess.

"Ayun oh!" Sabay sipol ni Chess.
Napatingin sila sa likuran ko kaya napatingin din ako.

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now