C35

2.9K 233 55
                                    

Dahil PE namin ngayon ay naka jogging pants kami at t-shirt na may logo ng unibersidad.Umupo ako sa bleacher para isuot ang rubber shoes ko.

"Sashkie!Nakita mo ang status ni Elise?!" Pangunguna ni Chess.

I nodded briefly,pokus lang ako sa pagsuot ng sapatos ko tapos lumingon sa kanila.Nag-aalala ang mga mukha nila.Alam ko naman kung bakit.

"Ano?" Natatawa kong tanong.Ngumuso si Chess at nilapitan ako.

"So...ano na?What's you plan?"

Kumunot ang noo ko.

"Plano para sa'n?"
Tiningnan niya ako ng pagod at ngumiti ng peke sa'kin.

"Para 'tong tanga!Elise and Cloud are together.Dapat may gagawin ka!"
She make a sharp sibilant sound as of the letter s.

"E,ano naman ang gagawin ko?"
Binigyan lang niya ako ng buntong hininga.

"After niyong mag-away ganito na agad ang bumungad?May bago na siya bigla?"
Hindi makapaniwalang si Karina.

Umirap sa kawalan si Polene.

"Effective yata ang panlalandi ni Elise kay Cloud kaya naging sila."
She snorted.

I entered the school like it I didn't care about them.Like I didn't have a sudden knives in my heart.Inside of me is totally broked.Parts of my heart collapsed.Pero kailangan kong labanan at lunukin ang sakit na iyon dahil ginusto ko 'to.Nilayuan ko siya kahit may gusto na ako sa kaniya... scratch that.Mahal ko na siya.

All of these past days.Palagi ko siyang naiisip.Walang oras na hindi ko maitanong sa sarili ko na ano ang ginagawa niya,nagkalabutihan na ba sila ng babae,mahal pa ba niya ako.

I need to face the truth.Sila na.Wala na akong maibubuga pa.Nakuha na ni Elise ang loob niya.Tama nga ang huling nasabi ko kay Cloud na nasa kaniya na ang lahat.Wala sa'kin.Narealize niya din yata na mas worth it 'yung babae.

Baka kay Elise talaga siya titino.

"Ano ba kayo?Wala akong plano.Cloud is now hers."

Umirap muli si Polene at tiningnan ako.

"Imposible namang mawawala agad ang pagtingin ni Cloud sa'yo.Mahal ka niya at hindi madaling mawala iyon."
mariin niyang wika na para bang totoo ang sinabi niya.

Sumang-ayon naman ang dalawa.

"Madali lang sa kaniya.Elise is—"

"Elise,Elise,Elise!Hindi porket in a relationship na sila ay mahal niya agad ang babae.In a relationship nga sila sa status pero hindi naman pala mahal ni Cloud, kasi ikaw ang mahal niya."
Dagdag pa ni Chess.

Umiling-iling nalang ako.Ayokong umasa sa wala kaya ayaw ko ng pahabain ang pag-uusap namin.Late na din kami.

"Tara na nga!Nahagard tuloy ang beauty ko tungkol sa Elise na iyan!"
Naging paypay ni Karina ang kamay niya.

Lumabas na kami at tumungo sa gym.May activities kami sa PE pero hindi naman alam kung anong klase.

"Sorry couch we're late."
I bowed down.Buti na lang at mabait ang PE namin!Nag squat kaming lahat habang kaharap si couch.

May sinasabi siya tungkol sa volleyball.Halatang iyon ang lalaruin namin kaya tumili ang mga kaklase ko dahil na e-excite.

Naputol ang sinabi ni couch dahil may sumingit.

"Na late kami couch.Sorry,love you!"
Pagbibiro ng kasama ng magkakambal.
Natawa naman ang kaklase namin.Hindi ko na nagawang matawa dahil pokus ako sa kaniya.

The Bad Boy's ChaseΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα