C9

3.7K 255 28
                                    

I look at him with a scowled face.

"Kahit kailan ang kapal talaga ng mukha mo nung una pa lang."
Asik ko sa kaniya.

Natawa naman si Sav(Veigh) sa pag-aaway namin.Kung wala lang dito si Sky baka masuntok ko na 'tong kakambal niya!

"Ang cute niyo namang tingnan!"
Panunukso ni Sav.

Napangiwi naman ako.

Anong cute doon?Oo,cute ako pero kami ng Elperes na 'to cute?Asa!

Hindi ko siya tipo.Gusto ko lang yung kakambal niya.

Nagpaalam naman sa amin si Sky my loves kaya wala akong ganang makausap sila Sav at Cloud.

"Aalis muna ako a?Mag c-cr lang ako sandali,"
Palusot ko at nagkukunwaring naiihi na.

"Okay sige.Go ahead."
Nakangiting si Sav.

Binalingan ko naman si Cloud na nakatingin din pala sa akin kaya inirapan ko ito bago sila tinalikuran.

Galing ko talagang magsinungaling.
Actually,pupuntahan ko si Sky.Baka kumakanta siya doon sa Theater.

Nang nakapunta na ako sa favorite place ni Sky ay unti-unti kong binuksan ang pintuan pero kumunot ang noo ko nang wala akong naaninag na Sky sa stage.

"Wala siya?"
Bulong ko sa sarili at tuluyang pumasok at nilingon lingon ang paligid pero wala talaga siya.

Napasimangot naman ako.

Maliban dito,asan kaya iyon pupunta?

"Hey."

Tumayo ang balahibo ko nang may nagsalita!Ang boses na iyon!Gulat akong lumingon sa likod at nakita ko ang lalaking gusto ko.

"S-sky!"
Utal kong sabi.

Ngumiti naman siya nang makita ang ekspresyon ko.Yung ngiting nakakahulog ng panty.

"Ano pakay mo dito?"

Napanganga naman ako at nag-iisip ng ipapalusot.

"Ah kase...ano"

"Ano?"

"Ahhh,bampira ako!O-oo bampira!"
Agad kong sagot at kalauna'y napangiwi sa sinabi ko.

At kailan naman ako naging bampira?

Napasinghap naman ako nang tumawa siya ng kaunti!Oh my gosh!

"K-kaya gusto ko sa malilidilim na lugar!"

Bumuntong hinga naman siya matapos niyang tumawa.Napangiti ako dahil natuwa siya.

"You know what?I like you."
Sabi ko pero hindi talaga niya iyan sinabi.

Sa utak ko lang.

"You're kinda funny."
Natatawa niyang sabi at agad namang sumayaw ang mga internal organs ko dahil sa kilig!

Minsan,may maitutulong pala itong kabobohan ko.Napakamot naman ako sa batok ko, pumula talaga 'yung pisngi ko.

"Do you wanna join me?"
Tanong niya sa akin kaya mas nabuhayan ang kaluluwa ko.

You want me to your life forever?!Charot.

"Sa alin?"

Ngumuso naman siya sa stage.Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumango agad.

Take the opportunity na 'no!
Hindi na ako magiging choosy ngayon.

Pinaupo niya ako sa gilid niya while yung sa harapan namin ay ang piano niya.

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now