C10

3.7K 238 39
                                    


Uwian time na kaya agad agad akong nagligpit ng mga gamit ko.Lumapit naman sila Karina at Chess.

"Sash,puntahan kaya natin si Polene?"
Chess asked.

"Sige,pwede rin.Agad-agad na ba?"

"Bili muna tayo sa super market ng mga pagkain 'no baka pumunta sa bahay nila Polene."
Suggestion ni Karina.

At ayon na nga ang naging plano namin.Pumunta muna kami sa super market at bumili ng mga chocolates,cup noodles at kung ano-ano pa.

"Huy!Dami naman nating pinamili."
Saway ko.

"Kakain naman nating lahat 'to lalo na't may anaconda sa tiyan ko."

Natawa naman kami sa sinabi ni Karina.Lalabas na sana kami sa U-market nang biglang may prumeno kaya nabigla kami.

"Gago!"

"Ano ba!"

"Hoy lumabas ka diyan!"
Protesta ni Chess sa itim na sasakyan.

Unti-unti namang bumaba ang car window at bumungad ang isang nakangising lalaki.

"WALANG HIYA KA JACK!GUSTO MO BANG MAG BREAK TAYO?!"
Pagbabanta ni Chess.

Nalaglag ang aming mga pangang nakatingin sa dalawa.

"K-kayo na?" Tanong ko.

"Wait,hindi mo alam?sinagot ko na 'tong animal na 'to."
Turo niya kay Jack na nakanguso.

"Grabe ka naman babe,anong animal?"

"Ayan na naman ang pagiging isip bata mo.Sinusundan mo ba kami?"
Si Chess.

"Wala lang talaga akong trip.Sa'n ba punta niyo?"
Si Jack.

"Sa bahay ni Polene."
Si Karina.

"Hindi ba malapit lang doon sa mansyon ng Elperes?Sakay na kayo.Pupunta kasi ako kila Cloud."
Nalangising si Jack.

Malapit lang pala ang bahay ni Polene sa mga Elperes?Baka sakaling makita ko si Sky!

"Sige tara na!"

Pakapalan na lang ng mukha.Pumasok agad ako sa likod ng kotse ni Jack pati din si Karina.

"Sa likod din ako."
Si Chess.

"Ops!Bawal!Sa front seat ka!"
Utos ni Jack.

"Ayaw ko."

"Sige na..."

"Ayaw ko nga!"

"Parati ba kayong ganito?Nagsisigawan?Ang gulo naman ng relasyon niyo."
Nakangiwi kong tanong,natatawa na rin.

Sa huli ay front seat parin ang si Chess.Hindi kasi nagpatalo si Jack.Habang nagmamaneho ay nakinig lang ako ng musika sa earphones ko.

Nagtanong ako kay Jack kung malapit na at ang sabi niya ay oo.

"Diyan ang mansyon ng mga Elperes."
Turo ni Jack kaya agad naman akong mapatingin.

Napamangha naman ako,'yung istilo ng mansyon nila ay ang tipo ko pero mas tipo ko yata ang isang nakatirang Elperes diyan.

Umiiral na naman ang kalandian ng utak ko.


"We're here!"
Pinahinto na ni Jack ang kaniyang kotse kaya lumabas na kami.

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now