C45

2.9K 241 117
                                    

Dedicated to all of you!♡



Lahat kami'y nakapasok na sa Cultave Resort.Pansamantala kaming matutulog sa hotel dito.Nasa iisang kwarto lang kaming apat at ang kaklase naman nami'y nag groupings kung sino ang kasama nila kada kwarto.

"Bakit hindi mo sinabi?"
Iritadong si Chess.Napakamot naman ng buhok si Jack.

"Sorry bebs,nauna kasi kami dito kesa sa inyo e." sagot niya.

Hindi ko na sila pinakinggan dahil nagligpit ako ng damit ko sa closet kasama si Karina.Si Polene naman ay pagulong-gulong sa kama.

"Polene!" Tawag ko sa kaniya pero gumulong-gulong pa rin siya.

"Hmm?" Maiksing sagot niya.Napailing nalang ako.

"Ang sarap ng kama,kasing sarap ko."
Biro niya.I chuckled.

"Hindi,ang lambot kasi."
Dagdadg pa niya.

May narinig kaming pagbukas ng pintuan galing sa'ming kwarto kaya napalingon kami.Natigilan ako sa pag-aayos ng gamit.

"Baba na raw tayo!Nandoon na rin ang ibang mga kaklase natin."
Pag-aaya ni Christine na ngayo'y nakabihis ng pink bikini niya.

"Sige Chris,magbibihis lang kami.Mauna ka muna."
Sagot ni Karina.

Tumango naman siya.

"Taray!Ang sexy!"
Natatawang si Polene.Agad namang nag posing sa pintuan si Christine na parang model kaya natawa kami.

"Sira."
Bulong ko.

"Sige,mauna na'ko sa inyo ah?Maghahanap pa kasi ako ng mga pogi!"
Malanding saad ni Christine.

"Sama ako!"
Si Chess na agad namang tinaliman ng tingin ni Jack na nasa gilid lang.

"Joke." Pagbabawi ni Chess.

Ako na lang sa kanilang tatlo ang hindi pa nagbibihis ng swim wear.Napakamot ako sa pisngi nang sila ang nagpili sa susuotin ko.

"Eto na lang Sahskie oh!Bagay sa kutis mo kasi maputi ka naman."
Linahad ni Chess ang itim na bra at undies.

"Hindi!Eto,mas bagay."




Sa huli ay ako pa rin ang pumili.Nagbihis ako ng bikini na kulay asul at isang oversized na faded brown sleeves na may bitones sa harapan.Mamaya ko na lang 'to huhubarin.Hindi kasi ako masyadong sanay kasi matagal-tagal na rin akong hindi nagsuot ng ganito.At kung magsusuot man ay sa swimming pool lang ako ganito at hindi sa maraming tao.

Lumabas na ako sa cr.

"Bakit ganiyan?"
Kunot noong si Polene.

Ngumuso ako. "Ang alin?"

She looked at me from what I'm wearing bilang sagot.

"Mamaya ko na lang huhubarin."
Saad ko,when I get her question.





Pumunta na kami sa beach kung saan ang mga kaklase namin.May nagtatampisaw sa tubig,nakadapa lang sa buhangin,nakadapa sa beach bleachers habang may naglalagay ng sunscreen sa likod,yung ibang boys ay naglalaro sa buhangin na parang mga bata.

Natawa ako at napailing.

Habang naglalakad kami palapit sa kanila ay may kung sino akong  hinahanap na hindi ko makita.Naputol ang paghahanap ko dahil hinila ako ni Karina dahil mabagal raw akong maglakad.

Naglagay kami ng sunscreen sa katawan .Inaya nila ako na mag swimming pero pinili kong umupo sa ilalim ng payong.

Hindi ko siya makita.Saan na yun?Nagulantang ako dahil may humawak sa'king balikat.

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now