C44

2.6K 193 42
                                    








"Sure ka na ba talagang hindi ka sasama?"
Tanong ni Karina sa'kin habang abala ako sa pagtadtad ng karne.Napalunok ako.Kahapon din ay tinatanong nila ako kung sasama ba ako sa kanila sa Palawan sa Cultave Resort,iyon kasi ang usapan ng buong classmates ko na doon kami mag stay for at least one week.

Gusto ko naman talagang sumama sa kanila pero natatakot ako kasi alam ko namang invited din si Elperes.

Nang hindi ako sumagot ay nagsalita siyang muli.




"Hmm.Hindi ka namin pipigilan kung ganoon..."
Polene placed a forced smile.

Bumuntong hininga ako.

"Sorry,na-aapektuhan pa rin kasi ako kapag nakikita ko siya e."
Mahinang sabi ko.




They already know what happened between us.Sino nga bang hindi?Kung nag-aalab ang balitang iyon sa buong campus.Its been a week when we separated our ways.


At may usap-usapang ring ako raw yung nakipag-break.Well oo,ako nga pero ang kinalat nilang mga chismis ay mali kaya galit na galit ang iba sa'kin kung bakit ko raw siya hiniwalayan.They don't know what's the exact reason of what's behind that issue.

Bakit?Lahat ba ng nakipag-break ay gustong humantong sa ganoon?I decided to end our relationship because it's for the better pero naiinis at nagagalit ang mga tao sa'kin dahil sinaktan ko raw si Cloud dahil nakipag-break ako.



Ako pa itong nasaktan pero lahat ng galit ng mga tao ay napunta sa akin!I received a lot of threats on my social medias kaya nag deactive muna ako.Marami akong nababasang mga post tungkol sa issue namin,they are posting about their opinion kung ano raw ang ugat sa paghihiwalay namin.I don't wanna answer all their questions kasi sa huli...ako parin yung mali kaya mabuting manahimik na lang ako.




Fuck that social favoritism!

Ako pa talaga yung lumabas na mali!

Tinulungan ako ni Karina na magluto sa kusina.The three are in my condo.Binisita nila ako para kamustahin.


Inilapag namin ang kare-kare,steak,adobo sa lamesa.Matapos ay inaya namin ang dalawa na nasa sala,nanonood ng telebisyon.






"Bango!"
Chess sniffed the foods in the table and sighed dreamily.

"Galing niyo namang magluto!"
Dagdag pa niya.

I chuckled.Kung hindi ako tinulungan ni Karina,siguro itim na pagkain ang kakainin namin.

"Si Karina ang tunay na chef rito."
Hinampas naman ako ni Karina ng pabiro.Aba'y feel na feel.



"Polene!"
Tawag ko rito dahil nakatunganga lang siya sa cellphone niya na may malungkot na mukha.

Nangunot ang noo ko.

"Is there anything wrong?"
Lumapit ako sa kaniya.Nagulantang siya nang hawakan ko ang balikat niya.Agad naman niyang tinago sa bulsa ang hawak niya.



"A-ah uhm...nag-text pala si Drew sa'kin kung okay ka lang ba.Tsaka nagtanong kung sasama ka raw sa Palawan o hindi.Kasi kung oo ay sasama raw siya."

Napatango-tango naman ako.



Pero biglang kumunot ang noo ko.Textmate ba sila?Hindi ko alam na nag-uusap sila o kung ano.




"Close kayo ni Drew?"
Tanong ko.

Agad naman siyang umiling.

"Hindi 'no!Hindi ako nakikipag kaibigan sa mga mayayabang at hinding-hindi ako makikipag-close sa kaniya!"
Sagot niya na mukhang gulat din sa sinabi niya.

The Bad Boy's ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon