C25

3.2K 238 78
                                    


Dedicated to:
@cutiediepiegh
@JelbieFlores
@LorieNacario1
@SharmaineCharisse
@JesselKini

Hindi parin ako tinantanan ng tatlo tungkol sa nasabi ni Cloud kanina sa'kin at kung bakit may pa-chocolates pa siyang binigay.Hindi ko naman sila sinagot kase hindi ko alam kung saan magsisimula atsaka hindi ko naiintindihan ang pinagsasabi nila kasi sabay-sabay.

"Tumigil nga kayo."
Sita ko at inirapan sila.

"Hindi mo naman kasi sinasabi sa'min e.Peykprend!"
Ngumuso si Chess at nagkukunwaring nagtatampo.Sinabayan naman ni Polene at Karina.

Bumuntong hininga ako.

"Eto na,sasabihin ko na..."

Lumiwanag ang kanilang mukha at naghihintay sa sasabihin ko.

"May gusto sa'kin si—"
Pinutol ako ni Polene dahil bigla niyang hinampas ang desk niya 'tsaka tumayo.

Nagulantang ako ng kaunti.

"Tama talaga ako!Nanghihinala na ako na may gusto yun sa'yo si Cloud e!"
She snap her two fingers sabay ngiting aso.

Agad ko namang tinakpan ang bunganga ni Polene.Para kasing may nalunok na microphone!

"Nilunok mo ba ang speaker,ha?Baka may maka rinig sa'yo."
Saway ko.

"Omg!Talaga?!"
Hindi makapaniwalang si Chess.Kung maka-react naman ang mga 'to.

"Uy!Baka nakalimutan mo ang pustahan natin?Gimme your one hundred." nakangising si Polene sabay lahad ng kaniyang palad kay Chess.

"Oh!Ayan na ah..." Binigyan niya ito ng isang daan.

Pinagpushan pala ako.

"Kinikilig ako sa inyo!May chocolates pang binigay.Pahingi isa."
Kumuha ng isang pirasong chocolate si Karina at nginuya iyon.

"Kung gusto ka ni Cloud,ang tanong,gusto mo ba rin siya o may gusto kang iba?" untag ni Chess na ikinatigil ko.

Natahimik silang lahat,hinihintay ang sagot ko.

"H-hindi ko alam.Nalilito pa'ko..."

Naging mabagal ang pagnguya ni Karina ng chocolates.Parang na disappoint sa sinagot ko.

Ang alam ko lang ay ang may gusto ako kay Sky na may gusto din namang iba.Nagugulo ni Cloud ang isip sa mga ginagawa niya sa'kin.Weird ang feelings ko sa kaniya.Parang may kakaiba akong nararamdaman pero may kung anong tutol sa parte ng puso ko.

"Cloud is known as a bad boy here kasi may mga kalokohan siyang ginagawa.Kaya nga kami nagtayo ng hater's club kay Cloud dahil sinaktan niya 'yung kaibigan namin dati.Akala niya nagkaka-interes si Cloud sa kaniya pero hindi,pinaasa lang siya kaya yun,broken hearted.Pinagchi-chismisan na siya doon kesyo sa pagiging assumera niya kaya lumipat siya sa ibang school.Tinake-down na din namin ang club na yun kase nagsialisan ang dating mga myembro."
Kwento ni Chess.

Paano kapag magkakagusto ako kay Cloud?I feel a glimpse of spark when he treated me special.When he unexpectedly confessed in front of me,I feel...a sudden spark.Malakas ang tibok ng dibdib ko nun,parang pang walang oras ay sasabog na ang dibdib ko.

Sinabi niyang gusto niya'ko pero paano kapag hindi pala?Na papaasahin niya lang din ako?Kagaya ng ginawa niya sa ibang mga babae?

"Tuleley ka diyan!"
Kinurot pa ako ni Karina sa gilid.

"Gutom lang,"
Palusot ko at umayos.

"Tara,bili tayo.Gutom na din ako e."
Ani Polene at hinawakan pa ang tiyan.

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now