K A B A N A T A 1 ✔

14.4K 205 4
                                    


Kapag may pera may ligaya.



Tuwing itinatatak ko iyan sa isip ko pakiramdam ko nabubuhay nalang ako para kumita ng pera.



Pakiramdam ko kayang kaya ako'ng bilhin ng isang tao sa pamamagitan ng pera.



Sumasahod nga ako ng malaki sa kompanya na pinapasukan ko pero pakiramdam ko may kulang parin kaya mas pinagpupursigi ko pa ang pagtatrabaho.




No say sa mga tsismis na kumakalat sa buong company na kabit ako ng CEO eh ang tanda na no'n.Kaya lang kami laging magkasama ay nagpapaturo ako kay boss para matutunan ko ang mga bagay-bagay sa kompanya,mabait naman si Boss Leon Herrer sa totoo lang para ko na din siyang tatay.



Kaya nagtataka ako kung bakit may mga tao'ng gustong manira sa kanya,kaya pati ako nadadamay.




Dahil din kaya sa pera?.Katulad ko din ba ang mga naninirang yo'n na ginagawa ang lahat para sa pera?.




Huminga ako nang malalim ng tumunog ang alarm ko hudyat na kailangan ko ng umalis sa bahay para pumasok.





Naglagay na muna ako ng red lipstick at pulbo sa muka,hindi na dinagdagan ng kung ano pa dahil nangangati ang muka ko kapag may foundation.





Nagpara na ako sa taxi at nagpahatid sa Herrer Shoe Company.





***




Pakinig na pakinig ang lagatok ng aking takong habang papasok ako ng kompanya,may napapatingin at bumabati sa akin.



Buti nalang kahit na nabalitang kabit ako ng kanilang amo ay hindi sila naniniwala.




"Ang bait niya 'no.Ang ganda pa..." rinig ko na sabi ng isang emplayada matapos kaming magbatian at lampasan ko na siya.



Napangisi ako,mabait huh? Hmmm,pwede na..



Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator ay biglang nagsalita ang katabi ko na babae,mukang hindi ako napansin.


"Be! Alam mo..may nakakita kay Mr David Herrer sa mall kahapon kasama yung kakambal niya yo'ng doctor! Sino ngayon?..yun si Larren" sigaw niya kita ko ang pag nguso sa akin ng mga kasamahan niya na tila sinasabing 'Tumahimik ka nandiyan si Ms Agustin!'.


Takot sa akin ang mga bagong pasok dito gano'n din naman ang iba habang tumatagal lang ay nagiging okay lang.



Nagsusungit lang naman ako kapag nabuburyo sa mga tanong nang tanong.





Kahit na magsenyasan sila ay hindi parin sila napansin ng katabi ko kaya malakas ako'ng tumikhim.



Nanigas naman yung babae natatandaan ko ito,ito yung nabulyawan ko no'ng simula ng training nila simpleng photocopy lang hindi pa marunong.




"M-Ms Agustin.." muka siyang nakakita ng multo nang makaharap siya sa akin..



Bawal kasi makipagtsismisan sa loob ng company well pwede naman wag lang magpapahuli.



Ngumiti naman ako.



"It's okay.." sabi ko habang nakangiti sakto namang bumukas ang elevator kaya umuna na ako.



Muka namang wala silang balak pumasok kaya seninyasan ko silang pumasok,kasya naman kami 4 lang kasi sila.




"Talk" matigas ko na sabi habang nakatingin sa repleksyon namin.



My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Where stories live. Discover now