PT-07

2.7K 66 1
                                    


'I love you..' bulong sa akin ng malabong muka.

'Love you too'

Puro malabo,hindi ko maaninag.

'Mama!'

'Love you Mama hihi'

'B-Bakit mo to nagawa s-sakin?B-Bakit?!' kasabay nun ay ang pagsampal ko sa kanya

'Magiging masaya kaba kung wala ako?

Bigla ako'ng nagmulat ng mga mata,ang puso ay mabilis na tumitibok dala ng panaginip.

Humawak ako sa dibdib ko pero hindi padin tumitigil ang mabilis na pagtibok.

Tumingin ako sa orasan at nakitang mag aalas kuwatro na ng madaling araw kaya tumayo na ako,lumabas ako at uminom ng tubig.

Kailangan ko'ng makahinga ng maluwag.

Lumabas muna ako at naglakad lakad meron na ding tindahang bukas pero ang kabahayan ay mga sarado pa.

Naglakad lakad lang ako,kaya namang lakarin ang parke kaya nilakad ko nalang,nag jacket din ako kaya,kaya ko ang lamig.

Umupo ako pagkarating dun,nilibot ko ang buong parke,ngayon lang ako nakarating dito pero mukang pamilyar na agad sa akin.

Pumikit ako at dinama ang lamig na dumadampi sa muka.

'Chrizzy! Stop running pinapagod mo na ang mommy mo'

Napamulat ako ng may lumabas na imahe,malalabong imahe.

Napatayo ako sa takot,nababaliw na ba ako?

Dapat siguro'ng bumalik nalang ako kayla Amang,masyadong nagugulo ang isip ko sa lugar na ito.

Napabuntong hininga ako at humarap na sa daan pero napatigil ng may makitang lalaki.

"S-Sir?" takang tanong ko ng makita ang amo na nasa harap.

'Bakit ang hot nito? Nahan ang hustisya?'

Nakahoodie na white ito at naka shorts langkaya kita ang mabalbon na buhok sa binti dahil sa ilaw ng park naka cap din siya pero ewan ko kung bakit nakilala ko agad gayong kahapon ko palang nakita ito.

Hindi na din ako naniniwalang ako ang yumaong asawa nito,dahil patay na talaga,nabasa namin sa article na nag suicide daw at hindi na sinabi ang dahilan pa dahil binibigyan na nila ng privacy ang buong pamilya ng mga Herrer.

Masyado din yung maputi at sopistikadang manamit,pareho kami ng taste sa pagpili ng sexy outfit pero iba naman sa make up masyado siya'ng simple pero ako'y nagugustuhan ko na ang mga make up pero iniiwasan ko na din dahil nagkakapantal.

Imposibleng ako ang asawa nito dahil kung ako nga talaga ay dapat nakita na nila ako,kung inakala man dapat nagpapakilala na sila sa akin pero hindi,malamig ang trato sa akin ng Herrer na ito.


"B-Bakit po kayo nandito?"

"This is a public place,natural na nandito ako" sabi lang nito at tumalikod na muli nagtataka naman ako'ng nag sunod ng tingin per Umupo din ito ilang metro ang layo sa akin,grabe wala naman ako'ng na nakakahawa.

'Grabe wala naman ako'ng nakakahawang sakit,wala din naman ako'ng anghit para layuan!'

Naglakad nalang ako,akala niya? Bahala siya diyan! Multuhin ka sana.

"Don't follow me,humanap ka ng ibang upuan"

Napatigil ako sa paglalakad ay nagtatakang tumingin sa kanya kung hindi ko to kilala maiisipan ko na baliw siya pero hindi eh,mayaman siya maraming kompanyang nakatayo pero bakit naman kasi ganito ang takbo ng utak ng lalaking to?

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Where stories live. Discover now