Kabanata 26

5.5K 95 1
                                    

"Bilisan mo manong!" sigaw ko,naiiyak ako habang nakatingin kay Cricia.

'Ano bang ginagawa mo dun!'

"Mam dito na po!" sigaw ni manong.

Binuhat niya si Cricia papasok.

"STRETCHHHEEERRR!" sigaw ko kita ko ang pagkagulat nila ng makita si Cricia na buhat ni manong.

"Naku si Mam! Tawagin mo si Doc dali!" sigaw nung isang nurse nilagay nila sa stretcher si Cricia.

Nanginginig ako,walang lagnat si Cricia hindi masama ang pakiramdam niya lagi ko siyang chinicheck at tinitext kaya alam ko na biglaan lang ito.

Ang pinagtataka ko lang bakit siya nasa tapat ng mansyon ng mga Chen.

"Check her vital sign!" mayamaya pa ay narinig ko na agad ang takbo at sigaw ni Larren.

"H-Honey..?" nakita ko ang panginginig ng kamay ni Larren habang hinahawakan ang noo ni Cricia na may dugo dulot ng pagbagsak.

"Doc kami napo ang bahala,Bawal po Kayo ang gumamot sa kany" sabi ng kadarating na doctor.

"NOOO! TUMABI KA DIYAN!AKO ANG MAG CHICHECK SA KANYA!" nagwawala na si Larren kaya malakas ko siyang hinigit muntik na niya ako'ng masiko pero naagapan ito ng mga lalaking nurse.

Humahangos si Larren na nakaupo sa kabilang higaan,tinabunan ng kurtina ang higaan ni Cricia.

"Babalik ako Larren umayos ka,mag papaalam lang ako kayla manang" sabi ko sa kanya tumango lang siya kaya nagsalita ulit ako.

"Nahimatay si Cricia kanina sa tapat ng mansyon ng mga Chen,tumama ang ulo niya sa semento bago pa ako makalapit,umayos ka mukang may malaking problema ang kaibigan ko hindi ko na siya.masasamahan ngayon katulad ng dati,may mga anak narin ako" sabi ko bago tumalikod na.

Sana marealize niya na ang pagwawala ay hindi solusyon.

Ng makababa sa parking lot ay may napansin ako'ng nakatingin kay iginala ko ang mata ko wala naman.

Sasakay na sana ako ng may mapansing kahon sa kotse,nasaan na ba si manong?

Tinext ko si manong.

'Nagka emergency?'

Basa ko sa reply niya.

Kinuha ko ang box at binuksan ito sumandal muna ako sa kotse at halos mahimatay ako ng sumalubong sa akin ang mabahong amoy.

Naitapon ko ito ng biglaan kasama ang picture ko na may dugo.

Nanginginig ako'ng sumakay sa kotse at pinaandar ito paalis.

Mabilis ako'ng lumabas sa kotse ng makarating sa bahay namin.

'Tanghali na..'

Humahangos ako'ng umupo sa sofa.

"Ayos kalang ba iha? Kamusta ang kaibigan mo? Narinig ko'ng tanong ng kararating lang na si manang.

Huminga ako ng malalim at sumandal.

Nakatingin ako sa kisame at inisip ang nangyari kanina.

"Hindi pa po siya stable manang,chinicheck pa po siya ng doctor" sabi ko kay manang at tumayo na..

"Nasaan po ang mga bata?" tanong ko.

"Nasa taas iha,kumain ka pagkababa mo hmm.." sabi ni manang at umalis.

Umakyat ako sa taas at pumunta sa kwarto ng kambal.

Sinilip ko sila at nakita ko na nilalaro sila ni Aleng.

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Where stories live. Discover now