PT-14

2.6K 70 1
                                    





Nakauwi kami ng matapos ang trabaho ni Mc, hindi na din nagpakita muli si Mariel na ikinahinga ko ng maluwag,pero nagpaalalam muna ako na uuwi sa bahay nila Cassy kahit ang totoo ay babalik muna ako sa San Agustin

"I need to do this" bulong ko at tiningnan ang pangalan ng Hospital na pinagdalhan sa akin nila amang.


Ang sabi nakita nila ako sa gilid ng bangin na puro dugo at ang kotse na unti unting lumubog.

"Good morning po, nandiyan po ba si Doc William? " tanong ko sa nurse,masungit naman itong tumango kaya napaismid ako.

'Arte, busngad naman ang nguso'

****

Kumatok muna ako bago buksan ang pinto,sumilip ako at narinig ang boses ng doctor na pinapapasok ako.

"Good day po Doc" bati ko,tinuro naman nito ang upuan sa harap at tiningnan lang ako.

'Hindi talaga siya Approachable?  Diba dapat ganun sila? '

Tumikhim ako at nag umpisang itanong ang record ko, naglakas loob na din ako'ng makihanap sa mga record ng hospital.

"November, don't know the exactly date but I assure you ikaw yung babae na nagmamay ari ng singsing na ito" napatingin ako sa kanya ng marinig yun napahawak ako sa palasingsingan ko kaya pala laging nakatingin si David dito, nilapag Ito sa table kaya napaupo muli ako.


"Bakit ganun Doc?  Wala parin ako maalala kahit isa,kung meron man putol at hindi malinaw" nahihirapang tanong ko.

Gustong gusto ko ng makaalala.

Pinaliwanang naman niya sa akin ang kaso ko, mahihirapan talaga ako dahil malaki ang na damage sa ulo ko buti nalang at nakaligtas ako,Mukang hindi din isang beses na bagok ang ulo ko.



Napakamot ako sa noo at nahihiyang nagtanong.

"Eh Doc, sino po yung babaeng nalunod" tanong ko sa kanya,naikwento sa akin yun nila Cassandra kaya naguguluhan ako ngayon


"We don't know,pero don't worry Mrs Herrer that woman is still safe and..." sabi nito at bumuntong hininga.

"Ano po? " tanong ko pero nag iwas lang ito ng tingin at tumayo na.



"You may Go" sabi niya t tinuro ang pinto.

'Paano niya ako nakilala? Madelyn San Agustin ang pagkakakilala sa akin ng barangay na ito'


Saktong pagkalabas ko ay tumunog ang selpon ko nakita ko si Mc ang tumatawag kaya pinatay ko muna ito.


'I'm sorry Mc, i just need to find myself first dahil kung patuloy akong mananatili sa inyo na parang ibang tao mahihirapan tayo lalo na ang mga bata'


*****

"Madi! " napamulat ako ng marinig si inang na sumisigaw kaya napabangon agad ako at lumabas ng silis pero halos mapaatras ng makita si Mc na nakatayo na umiinom ng kape at ang mga bata na nakaupo lamg tuwid sa upuang kahoy.


"I knew it!  Mommy is here! " sigaw ni Chrizzy at sinugod ako ng yakap hindi ko maiwasang mapangiti pero nakaramdam ng kirot a sitwasyon namin ngayon.



"We already knew Chrizzy, mommy sabi mo sabay tayong pupunta here? " tanong ni Chrizzel pero napatawa nalang ko.


"Sorry babies, emergency" sagot ko a mga imbestigador na to.


"Mommy,may emergency po" biglang sAbi ni Eli kaya napalapit ako habang karga si Chrizzy.

"Ano yun baby ko? " tanong ko.

"Popo ako" sabi niya kaya napangiti ako ng malawak narinig ko ang tawa ni amang at inang.

Mukang nagkakilalanan na sila.

Binuhat ni inang si Eli at pumuntang kubeta tumingin ako kay Mc na seryosong nakatingin ang saKin.


"Let's talk" sabi niya kaya napahinga ako ng malalim at tiningnan muna ang mga bata bago sumunod sa kanya sa labaS sumulyap muna ako kay Chrizzel at Chrizzy at tumalikod na


Huminga ako ng malalim ng hindi siya umimik at tumingin lang sa ilog na malakas ang agos, tumingin siya sa taas at nakita ang mataas na bangin kung saan ang high way.


"Sila ang nakakita sayo" sabi niya sakin na hindi ako tinatapunan ng tingin.

"A-Ah, oo"

"I will do everything to pay them" sabi niya sa akin naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko tinaas niya ito kaya napatingin ako sa kanya nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya ng makita ang singsing ko.



"Akala ko nawala na" bulong niya sa akin kaya napakagat labi ako at tumango na lang at hinawi ang buhok na tumatabon sa aking muka dala ng hangin.



"Binigay ni Doc" sabi ko sa kanya.

"I know what you're doing, pwede bang isama mo kami sa paghahanap ng nawala mo'ng alaala? " sabi niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Sasamahan mo a-ako?" nanginig ang boses ko kaya kinagat ko ng madiin ang labi ko pakiramdam ko may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan,ang puso ko ay naghuhumerantado.


Dahan dahan siya'ng tumango at hinila ko upang yakapin.


"You know that I love you so much baby, at gagawin ko ang lahat para bumalik ka sakin, samin. Mali man ang naging una nating pagkikita but I promise you that I will replace it to something memorable,special and happiness" madamdaming sabi niya,naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

Pero hindi ko ding mapigilang matawa, ang laki niya'ng tao pero napakadrama niya.


"Isasama kita ikaw ang guard ko" napangiti ako sa sinabi ko narinig ko ang tawa niya pero alam ko na patuloy parin siyang lumuluha dahil nararamdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa leeg ko.

_____

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Where stories live. Discover now