PT-12

2.6K 67 0
                                    


"David" tawag ko sa kanya hindi talaga ako papayag na ganito ang ugali ng mga anak  ko iniisip ko pa lamang kapag naglakihan ang mga to pakiramdam ko maaga ako'ng tatanda nito.

"Hnm?" tanong niya ng hindi ako tinatapunan ng tingin.

"Aalis na ako" seryoso ko na sabi sa kanya kaya napatingin siya sa akin na nagpapa awa.

"No" mabilis niyang sabi sakin.

"Sino'ng nagturo sa kanila niyan?" naiinis na bulong ko para hindi marinig ng mga bata ng higitin ko siya sa gilid.

"I'm sorry,palagi kasing nakay mommy sila... Nung nawala ka hindi ko na sila ka-kayang matingnan hindi ko kaya kasi naaalala kita " Nahihirapang sabi nito at niyakap ako napaiwas ako ng tingin nakita ko na nakatitig lang sami si Chrizzy at Eli tila nagtataka kung anong nangyayari pero nginitian ko nalang sila.

"Hindi ko sasabihing ayos lang pero promise me if ever na may mangyaring kahit ano wag mo ng hahayang mapabayaan sila ha,mukang nakuha na nila yung ugali ng mommy mo" sabi ko sa kanya habang sinusuklay ang buhok,huminga siya ng malalim at tumango.

Bumukas ang pinto kaya hihiwalay na sana ako pero ayaw pa din niya tumingin ako sa pumasok napangiti ako ng makita si Chrizzy na nakasalamin na.

"You look like a nerd,ate" nakangiwing sabi ni Eli narinig ko ang pagtawa ni Larren.

"Is that so?"  nakairap na sabi naman ni Chrizzel.

"She's the queen of the nerd" sabat naman ni Chrizzel at kumindat kay Chrizzel napabuntong hininga nalang ako.

Chrizzy and Chrizzel is 5 years old Eli is just 1 year old!

"Hayaan mo na babe magbabago pa naman eh nandito kana,maaalagaan mo na kami" bulong sakin ni David at hinalikan ang aking leeg.

"Okay Lover birds! Napakabastos niyo talaga may mga bata dito oh!" saway ni Larren samin kaya natawa ako at tinulak si David palayo sakin.

"Ang bastos talaga,matawagan nga si Honeybabe Cococrunch" bulong bulong ni Larren na parehas naming ikinangiwi Ni David.

"Hindi ko talaga maisip na tumagal si Cricia sa kanya" bulong ko na mukang narinig naman ni Larren.

"How dare you" gigil na sabi nito at susugudin na sana ako pero humarang si David.

"Gay" nakangisi nitong bulong at kinuha na si Eli hinawakan ko naman si Chrizzy at Chrizzel.

"Macho Gay" nakangisi ko na bulong sa kanya at inirapan ito.

"Miss Gay" tawa ni Chrizzel.

"Bakla" bulong ni Chrizzy.

Pero bago kami makalabas ay narinig namin siyang sumigaw..

"Napakabully niyo'ng lahat talaga! " sigaw ni kaya pareho pareho kamjng tumatawa palabas ng Hospital niya.

*****

"Daddy hindi kami nakapasok dun nalang kami sa Office mo po" sabi ni Eli habang kalong ko si Chrizzy at Chrizzel naman ay nasa likod at parehong busy.

Si Chrizzel ay balik na naman sa pagbabasa ng Science book at si Chrizzy ay busy sa paghahanap ng dress online..

"May gagawin kaba Euni? Sa office ko nalang kayo" napabaling ako kay David ng tanungin niya ako kaya tumango ako.

Wala naman kaming ibang pupuntahan kaya okay lang.

"Daan tayo daddy sa mall bibili ako ng hair clip may hair so gulo na eh" nangunot ang noo ko ng marinig ang conyo ng boses ni Chrizzy.

"Chrizzy" tawag ko sa kanya pero tumawa lang siya

"Mommy it is so good to hear diba? I feel like amerikana na " tawa niya kaya napangiwi ako at tumingin kay David pero tumawa lang ito.

"Para kang baliw" malamig namang sabi ni Chrizzel kaya napahawak na ako sa sintido ko.

"Mommy what's wrong po? Sumasakit po ang head mo?" tanong sakin ni Eli kaya napangiti ako,how I wish na manatili kang ganyan Eli.

"Sabi ni daddy pag masakit ang head ipapugot nalang para walang problem" inosenteng sabi nito at humarap sa compartment tila naghahanap.

"Oh my god! David!" sigaw ko pero tinawanan niya lang ako.

"Why mommy?" tanong ng mga anak ko pero tumingin nalang ako sa bintana.

"Mommy is fine,she's just having a crazy day" natatawang sabi ni David sa kanila.

"Crazy? Mommy is crazy na ba? " tanong ni Chrizzy.

"May amnesia siya pero hindi siya baliw Chrizzy" sagot ni Chrizzel.

"Pugutin nalang natin kasi mommy" sabi naman ni Eli.

Hindi ko na mapigilang magsalita

"Iliko mo David,we hindi na muna tayo dadaan sa mall mamaya pagkauwi nalang Chrizzy" mabilis na sabi ko.
"We will talk! We.will.talk!" sigaw ko sa kanilang apat.






My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon