PT-09

2.6K 66 0
                                    



Mabilis ang pagtibok ng puso ko pero hindi ko pinahalata ang panginginig ng katawan ko.

"So,ako ang asawa mo?" mapanuya ko na tanong

"Why Mc David? Cat got your tongue?" mapanuya ko na tanong pero nakatingin lang siya sakin kaya nauna na ako sa guest room.


Kaunti ang gamit dito pero ang mga mahahalagang bagay ay nandito na..

Umupo ako sa one seat sofa umupo nama Siya sa kama .

Halo halong kaba at inis pero pagkasabik ang nararamdaman ko ngayon.

Kinakabahan ako dahil baka itanggi niya gayong nakita ko na ang litrato ko sa loob ng kwarto niya.

Naiinis ako dahil hindi niya manlang ako hinanap,ganun na ba kadali na baliwalain ako,na hayaan ako? Pinaniwala niya talaga na patay na ako.

Pero ganun pa man hindi ko magawang magalit hindi ko magawang  ibuka ang bibig at isigaw ang mga hinanakit ko na gustong gustong kumawala sa dibdib ko.

"Magtitigan nalang ba tayo?" natatawa ko na tanong pero nagtutunog ito sarkastiko dahil nanggigigil ako sa kanya.

"Eu-Eunice Agustin Herrer,my lovely and amazing wife,w-we meet in February 24,2021 we struggle a lot,we conquer all the hardship's and challenges that God gave to us." tumayo siya kaya napatayo din ako,nagugulat ako sa mga sinasabiya sobrang hirap ipasok lahat sa utak ko bawat salita niya ay ramdam ko ang bigat pero saya sa bawat salita niya.

"In December 5 you gave a birth to our angels,in March 15 God gave Eli to us.In November 16 y-you" nag iwas ito ng tingin at tila nahihirapang lumunok mabilis ang paghinga ko dala ng pag iyak kita ko din ang pagluha ng mga mata niya.

Matikas siyang nakatayo sa harap ko pero ramdam ko ang pagod niya,pagod niya sa lahat ng nangyaring hindi maganda pero pilit niya padin ako'ng kinakausap sa tingin ko ay ngayon niya lang masasabi ito sa tingin ko ay kinimkim niya ang lahat ng sakit katulad ko.

"Ba-Bakit hindi mo ako h-hinanap?"sa lahat ng sinabi niya yun lang ang pinakagusto ko'ng marinig kasi sobrang sakit na.

Ang sakit sakit na ganun nalang ba lahat,ganun ba kadali na kalimutan ako,na tanggaping wala na ako,ang dali niya'ng sumuko ang dali dali niyang bitiwan ako.

"N-Natakot ako" nagsusumamomg sabi niya at lalapit sakin pero umatras ako nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya naiwan sa ere ang kamay niyang sanang hahawakan ako.

"Natakot ka? Paano naman ako? N-Natakot din naman ako takot na takot na takot ako,a-alam mo ba ang pakiramdam ng magising kana lang isang araw at wala ka ng kahit isang maalala? Alam mo ba yung pakiramdam na may gusto k-kang  maalala pero w-wala talaga? " umiiyak na sumbat ko sa kanya at tinuro siya.

"H-Hindi mo yun alam dahil pinairal mo y-yang takot mo na wala na talaga ako,m-mas natakot kang malaman ang totoo kaysa sa maniwalang p-patay na talaga ako" pumiyok ako pagkatapos nun,dali dali niya ako'ng sinugod ng yakap pilit ko siyang tinutulak pero hindi ko maalis ang mga yakap niya sa akin bawat segundo ay humihigpit na tila ayaw na akong pakawalan.

"I-I love you,I love you so much... I know,I-I know that napakahina ko napakabakla ko pero b-baby maawa ka sa sakin" nanghihinang sabi nito at napaluhod nagulat ako ng yumakap siya sa bewang ko habang nakaluhod sa harap ko.







My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon