Kabanata 35

4.3K 84 0
                                    

Halos mahalikan ko ang lupa ng makarating kami sa Paris.

Ligtas na ako! Hindi ko talaga minulat ang mga mata ko buong flight dahil natatakot akong makita ang purong dagat,walang lupa at walang bundok!

Napahinga ako ng malalim,naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Mc mula sa likod pero hindi ko parin makalimutan ang pagtawa niya sa akin.

Inalis ko ang yakap niya at naunang maglakad.

Tumatawang sinigawan niya ako pero dedma lang ang natanggap niya mula sa akin.

Hanggang makarating sa hotel na tutuluyan ay hindi ko siya pinansin.

"No love makings,no touch,no lamas,pasyal lang" seryoso kong sabi ng makitang inaakit niya ako habang nag huhubad.

Nakita ko ang pagbagsak ng kanyang balikad at padabog na nagmartsa papuntang C.R.

Napatawa ako at sinundan siya,kumatok ako sa pinto.

"Kain tayo Mc!" sigaw ko.

"Bukas yan! Pasok ka! May free show
dito" sigaw niya.

"Ulol!" tumatawa kong sagot sa kalandian niya.

Habang umu-order ay may narinig kaming tumawag sa pangalan ni Mc

"Mc! Mc David Herrer?" tanong ng kung sino kaya napunta ang atensyon namin dun.

Nakita ko ang malaking lalaki na medyo singkit pero mas malaki parin at batak ang katawan ng asawa ko.

"James Chen?" seryosong tanong ni Mc.

" The one and only! Long time no see by the way..."sabi nito at tumingin sa akin kita ang lagkit ng pagtitig niya sa akin at bumaba sa dibdib ko medyo nakaramdam ako ng pangbabastos kahit kakilala ito ni Mc.

Hinawakan ko ang kamay ni Mc na nakapatong sa lantad kong binti,mahigpit niya din akong kinapitan doon,mukang napansin niya din.

"This is my wife...Eunice Herrer"matigas na pagpapakilala ni Mc.

Pero hindi siya tinapunan ng tingin ng lalaki tanging sa akin ito nakatingin.

.
"Hmm...Hello?" medyo nag aalinlangan kong bati sa lalaki.

Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya.

"Your wife is so damn beautiful....too hot...too sexy it makes me think if she is good in bed" natatawa niyang sabi .

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sa galit sa lalaking bastos na ito.

Napatalon ako ng biglang tumayo si Mc at kwenilyuhan ang lalaki.

Napasigaw ako sa takot at napatayo na din.

"Mc! " sigaw ko sa asawa ko na ngayon ay masama na ang titig sa lalaki.

"Find your own woman,you asshole!" sigaw ni Mc at sinuntok ang lalaki.

Napalapit ako ng suntukin din siya nito pabalik hindi ko na alam ang gagawin ko.

Inaawat na sila ni Mc pero parehas malalaki ang katawan nila kaya nasisiko lang sila nito.

Humiwalay si Mc kaya halos mapatakbo ako sa kanya ang akala ko ay tapos na pero sinuntok muli niya ang lalaki,natumba naman ito.

"Fuck you!" sigaw ni Mc pero tumawa lang na tila baliw ang lalaking nakahiga na puro dugo ang muka dumura ito at may dugo ding lumabas napaatras ako ng tumingin ito sa akin.

"I know you understand me, nakakabuhay ng dugo ang asawa mo" sabi nito kita ko na susugod na muli si Mc kaya agad ako'ng sumigaw at hinigit siya dun hindi naman ako nahirapan kaya agad ko siyang niyakap dun.

"Stop"bulong ko ng maramdaman ang panginginig niya sa galit ang kilay ay nagsasalubong habang dinidilian ang labi kita ko ang pag putok nun dahil sa pagsuntok.

"And you!..Mr Chen! Hindi maganda ang lumalabas sa bibig mo,better go back to school para maturuan ka ng tama!" sigaw ko nakita ko ang paghanga sa mga mata nito pero hindi ko nalang pinansin at pwersahang hinigit si Mc.

"Bantayan mo ang asawa mo Herrer! Baka mawala yan!"sigaw muli nung James.

Pumikit ako ng mariin ng bumitaw sa pagkakahawak ko si Mc at sumugod muli sa lalaki'ng yun.

Inaawat naman sila ng guard Pero hindi talaga kaya....

"Mc! Please! Tumigil na kayo!" sigaw ko ng magpalitan sila ng suntok

"M-Mc!" sigaw kong muli this time naiiyak na ako...

Humiwalay naman si Mc at kwinelyuhan si James.

"Wag mo akong susubukan James...wag mo akong susubukan,hindi mo alam ang kaya kong gawin,tandaan mo yan!" sigaw niya at  pabalyang binitiwan niyakap naman ako ng isa niya kamay at inilalayan akong makaalis.

Bumalik na kami sa room.

"Wag mo akong iiwan" seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Napatigil naman ako sa pagdampi ng bulak na may betadine sa gilid ng labi niya.

"Hindi kita iiwan" matigas na sabi ko dahil nararamdaman ko na napapraning na namn siya.

"Wag kang magpapaagaw,pangit yung lalaking yun mas gwapo ako" seryoso niya muling sabi habang magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa akin hindi ko maiwasang matawa.

Nginisihan ko siya at kita ko sa mata niya ang takot.

Hinigit niya ako kaya mas lalo akong natawa sa kapraningan niya ngayon.

Nilagay niya ako sa lap niya paharap.

Hinawakan ng dalawang kamay niya ang muka ko at seryosong nagsalita ulit.

"Akin kalang! Akin kalang! Akin! Akin! Asawa na kita kaya hindi kana maaagaw sa akin,maliwanag?!" sigaw niya at nakapikit na dinikit ang noo niya sa noo ko.

Napangiti ako,he really love's me huh?

"I love you David" seryoso kong sabi napamulat siya nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi na nauwi sa malaking ngiti.

"Repeat" utos niya.

"Love you baby" malambing kong sabI sa kanya kita ko ang pamumula ng muka niya hanggang taynga.

"I love you so much baby" sabi ko ulit dahil hindi umiimik.

"And i love you too! So much! Cant leave without you" bulong Niya,napangiti ako.

Sumubsob siya sa dibdib ko kaya napairap ako dahil minamanyak na naman ako.

"Lambot"bulong niya niya at hinalikan ang ituktuk ng dibdib ko.

"Bastos" sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

Ramdam ko na gumagapang na ang kanyang kamay sa loob ng aking damit kaya mabibigat ang aking hininga.

"Sino yun?" tanong ko at napatigil naman siya at kunot noong tiningnan ako."Yung James" sabi ko ulit.

"Interesado ka" sabi niya habang nakasimangot na nakatingin sa akin, hinampas ko naman siya.

"Ano nga" sabi ko at kinurot ang tagiliran niya na ikinaigik nito pero inirapan lang ako.

"James Chen,anak ni Rodel Chen" sabi lang niya at yumakap sa bewan ko.

"Bakit ganun siya?" tanong ko muli.

Mukang mabait naman yung James kaso nakakagulat ang ugali niya.

"Nag rebelda,namatay ang ina niya,nawala naman ang kapatid niya.Galit siya sakin dahil sinisisi niya ang pamilya natin dahil hindi namin nailigtas si Lea ng pumunta ito sa harap ng mansyon para humingin ng tulong.I don't know...wala kami dun" ramdam ko ang pamamasa ng balikat ko tanda na umiiyak siya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Nasasaktan lang sila sa nangyari kaya humahanap sila ng masisisi" tumango tango naman siya at niyakap ako pabalik ng mas mahigpit.

Lealine Chen? Nasaan kana ba?

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon