Kabanata 8

9.6K 160 1
                                    

Sumapit ang buwan pero iniwasan lang ako ni Sir Mc.

Ayos lang sa akin para naman mawala narin tong nararamdaman ko,masakit man pero ganun talaga.

Kung buhay lang sila mamo at papo siguradong itatakwil nila ako sa gagahan ko sa buhay.

Bakit ba kasi hindi ako nagboyfriend nung high school ako o dikayay nung nagkolehiyo?!

"Hayyyssss" napabuntong hininga na naman ako,sobrang sakit ng likod ko,ganun din ang ulo ko sa pagod.

At sa buwan na lumipas araw araw din niya akong pinapahirapan feeling ko ako na ang CEO!

Lagi ring nagdadala ng kung sino sinong babae si Si Mc dito,mejo naiinis lang ako dahil ginagawa nila akong katulong pero bawal umangal.

Nalaman ko lang na wala palang girlfriend si Sir Mc puros Fling lang..

Hindi kaya magkasakit siya?

"Good afternoon Sir" bati ko sa kanya ng makitang dadaan siya.

Hinatid yung kalandian niya sa baba.

Sakit!

Pero okay lang.

Hindi manlang ako tinapunan ng tingin.

______
Hanggang sumapit ang uwian namin hindi na siya lumabas.

Napabuntong hininga ako habang nag aayos ng gamit sa aking lamesa

"So ikaw parin pala?" narinig kung tanong ng isang pamilyar na boses.

Napaangat ako ng tingin at ganun nalang ang takot ko ng makita ang asawa ni Boss at mommy rin ni Sir Mc.

'Handa naba ulit akong masampal?'

Huminga ako ng malalim.

" Mam.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya ito.

"Let's talk" saad niya at tinalikuran ako.

Dali dali kong kinuha ang bag ko ay sumunod sa kanya.

______
Sa pinakadulo kamu umupo ni Mam Helga,kahit kulobot ang balat ay kita parin ang kagandang taglay nito nung dalaga palang siya.

"I'm sorry,sa ginawa kong pagsampal sayo,iha, it's been a months pero binabagabag parin ako ng konsensya ko" sabi niya saakin.

Halos malaglag ang panga ko sa paghingi niya ng tawad sa akin.

Naniniwala na ba siya? Na hindi ako ang kabit?

Napabuntong hininga siya

"Sanay mapatawad mo ako" yun lang at nagsimula na siyang kumain.

"Naghiwalay kami ng asawa ko dahil nabasa ko ang text nila ng kaniyang kirida"panimula niya muli kaya napaayos ako ng upo.

"Nung una humingi siya ng tawad sa akin,siyempre dahil mahal ko pinatawad ko,ganun naman talaga diba? Kapag nagmamahal kana dapat handa kang masaktan dahil hindi mawawala yun"nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata pero kalaunan ay napalitan din ng pait at hinagpis.

Tumingin siya sa akin kaya nakaramdam ako ng kaba sa hindi malamang dahilan.

"Hindi ko akalain na uulit pa siya,oo pinatawad ko siya nung una pero nung pangalawa niyang pangangabit hindi ko na masikmura hindi ko na kaya dahil kung mabait at malabing sa harap ko paano naman kung nakatalikod ako,naiisip ko,pinagtatawanan niya ba ako? Pinahanap ko ang mga naging kabit pero itong huli masyadong malinis at mukang siya lang ang nakakatikim"  sabi niya habang may tunog sarkasamo dito,natatakot ako'ng tumingin sa kanya pero ngumiti lang siya ng matamis.

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Where stories live. Discover now