PT-11

2.6K 61 0
                                    

"Akin si Mc! He is mine! Kami ang dapat na magpakasal kami dapat ang may mga anak! A-Akin siya i-nagaw mo lang" sigaw nito na ikinagulat ko sinugod niya ako sat sinabunutan gumanti ako.

Inuntog ko ang noo ko sa noo niya at dahil may kapayatan nga siya ay napahiwalay siya sakin mabilis akong binuhat ni David nakita ko si Cricia na dinaganan si Mariel at sila ang nagsabunutan nakita ko ang isang lalaking papasok ng restaurant at humahangos na hinila si Cricia.

"Mc! Look at me! Tingnan mo ang ginawa nila sakin,diba you love me sinabi mo mahal mo ako! You are so inlove to m-me diba? " sigaw nito pero hindi siya pinansin ni David bagkos ay inayos nito ang damit ko na nagusot tumingin ito sa akin at hinawi ang buhok ko na tumatabon sa muka ko.

"I-Im sorry.." bulong nito at hinalikan ako sa noo.Inayos niya ang pagbuhat sa akin at naglakad na palabas.

"Mc! I love you! Bumalik ka dito" narinig ko na sigaw sinandal ko ang baba ko sa balikat ni David at dinalaan ang baliw na nakasalampak na Mariel.

"She love you daw" bulong ko kay David kita ko ang pagtaasan ng balahibo niya sa batok kaya napangisi ako.

"Ikaw lang ang mahal ko"

"May nangyari sa inyo?" tanong ko agad.

"Wala"

"Bakit sabi ni Cricia nambabae ka daw" nanguso na sabi ko hindi siya tinintingnan ng ibaba niya ako sa kotse at sinuutan ng seat belt.

"Ikaw lang babae ko" namula ako sa sinabi niya at inirapan ito.

"Gusto ko talagang pinagdadamot mo ako pero no more cat fight okay?"sabi nito kaya tumango ako.

"Good" sabi nito at sinarhan ang pinto at umikot para umupo sa driver seat.

"Naging kayo?"

"Not really,siya lang yun may iniinom na gamot kaya naaapektuhan na ang utak" sabi nito.

"Shes crazy" naiiling na sabi ko.

"Bati na tayo?" tanong niya pinakiramdaman ko ang sarili ko naiinis pa din ako dahil hindi niya ako hinanap nuon pero para sa mga bata makikisama na ako sa kanya for now on hindi ko na iisipin ang sariling kaligayahan sa mga bata nalang muna.

"Dont know" sagot ko narinig ko ang buntong hininga niya.

"Sino yung umawat kay Cricia kanina?"

"Larren,asawa niya,kakambal ko" sabi niya hawig nga sila si David ay mas malaki ang katawan pero yung Larren ay medyo pino gumalaw kanina habang pinapakalma si Cricia.

***

"Mommy hindi kana po aalis?" tanong ni Eli habang binibihisan ko siya ng damit.

Nalungkot ako pero ngumiti pa din.

"Sorry baby hindi na aalis si mommy promise" sabi ko yumakap naman siya sakin.

"Mommy ihahatid mo kami?" Narinig ko na sigaw ni Chrizzy mula sa baba ng hagdan ng matapos kong bihisan si Eli..

"Yes darling ihahatid ko kayo isasama natin si Eli hmm" nakangiting sabi ko.

"Mommy I can't see the words!" napatigil ako sa pagdadrive inihinto ko ito sa gilid ng daan at tumingin sa likod.

"Baby look at me,malabo ba?" tanong ko tumingin naman ito at pilit hindi umiiyak na tumango.

Idinertso ko muna sila sa Hospital,si Larren ang umasikaso sa kanila dinala si Chrizzel sa 3rd floor para icheck ang mata naghihintay lang kami dito sa office nakatulog na si Eli kaya nakatayo ako at hinehele siya si Chrizzy naman ay tuwid na nakaupo habang nakatingin sa pinto.

Bumukas ang pinto at inuluwa nito si David.

"B-Baby... " sabi nito pero inirapan ko lang.

"Napaka O.A mo" sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

Bumukas muli ang pinto at napakunot noo ako ng pumasok si Mariel.

"Anong ginagawa mo dito?" nagulat ako ng magsalita si Chrizzy nakita ko din ang pasimpleng pag irap ng Mariel na ito sa anak ko kaya umakyat ata lahat ng dugo ko sa ulo nagising din si Eli kaya iniupo ko muna siya.

"Ano'ng ginagawa ng baliw dito?" tinatamad na tanong ni EIi sinaway naman ni David ang bata kaya lalo akong nainis pero hindi ako umimik at tinitigan lang si Mariel na prenteng umupo sa tabi ni Chrizzy .

"What? Bawal bang maging concern?"

"Hindi namn pero pwede palang makisiksik sa trycycle na sikip na" sagot ko sa kanya nangunot naman siya pero inirapan ko lang.

"Uso Mommy ang siksikan eh lalo na sa jeep hmm...tita Mariel hindi po kasi nagpapasakay si Daddy ng pulubing nanglilimos ng pagmamahal sa lalaking pamilyado" malakas na loob na sabi ni Chrizzy napatayo bigla si Mariel at padabog na umalis.

Nagugulat akong tumingin kay David na walang pakialam na nakikipaglaro kay Eli.

"What?" inosenteng tanong nito kaya muntik ko na siyang mabato.

"Sinong nagturo kay Chrizzy nun?" manghang sabi ko pero si Chrizzy ang sumagot sakin.

"All by myself,mana po ako sayo sabi ni tito Larren sabi din ni tita Cricia mana ako kay Lola" sabi nito at kinindatan pa ako.

Napahawak ako sa ulo ko pakiramdam ko sasakit ito dahil hindi ko na alam kung anong nangyari sa mga anak ko.

"Chrizzy is right mommy nangungurot pa nga po yun pag bumibisita sa school ni ate Chrizzel nagpapalakas lang kay Daddy" gigil namang sabi ni Eli.

He is just 1 year old! Who thought this to my son! He i just,shit!





My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Where stories live. Discover now