PT-15

2.7K 73 0
                                    

"Amang, ahh" napakamot ako sa batok ng mawalan ng sasabihin naKita ko ang pag ngisi niya at tumingin sa mga bata pagkatapos ay kay David na nakatayo sa likod ko.



"Alam ko na Madi-ay? Ano bang tunay mo'ng pangalan" nakaramdam ako ng lungkot ng magbago ang pakikitungo niya sakin para bang hindi na ako ang anak anakan niya.

"Amang, Eunice po Eunice Herrer" sabi ko nakita ko ang pagtango niya.

"A-Asawa ko po si David, mga anak ko si Chrizzy, Chrizzel at Elija Mc" pakilala ko sa kanila nakita ko ang pagkamot ni amang sa batok kaya hindi na ako nakatiis at lumapit sa kanya at yumakap.

Naramdama ko ang paninigas niya pero niyakap ko parin si Amang.


"Ako parin to si Madi yung anak niyo ni inang!" sigaw ko na upang matabunan ang pag garalgal ng boses, napahagulhol na ako ng iyak naramdaman ko ang paghawak niya sa likod ko na tila pinapakalma ako.



"Sabi ko na nga ba at mahahanap mo din ang pamilya mo, n-nagpapasalamat talaga kami ni Auring na kahit sa isang taon ay nagkaroon kami ng anak" narinig ko ang tuwa sa boses niya at tinulak ako ng marahan.

"Nahihiya akO sayo anak dahil hindi ko naibigay ang magandang buhay na mayroon ka noon,hirap sa trabaho at paglalaba ang ibinigay ko sayo" nakangiti ito ngunit nahimigan ko ang pait kaya napailing ako.



"Wa-Wala na ho ang tunay ko'ng magulang amang, wala man ako'ng maalala ngunit ramdam ko na masaya sila na nagkaroon ako ng pangalawang magulang mula sa inyo ni inang" lumuluhang sabi ko.


"Walangya ka Ronilo napadrama niyo ni Madi!" narinig ko ang boses ni inang kaya tumingin ako sa kanya nakita ko na nagpapahid siya ng luha gamit ang kanyang damit.



"Group hug! " sigaw ni Chrizzel at lumapit sa amin natawa naman ako ng magyakapan kami nila amang kasama ang mga bata.

Tumingin ako kay David at pinalpit siya pero yumakap lang siya sakin Sa likod ko.

Namilog ang mata ko ng hawiin niya ang buhok ko na nakalugay at hinalikan ang batok ko napatingin ako kay Amang na nakapikit na nakayakap saMga bata at kay Inang.


"I miss you so much" bulong niya naramdaman ko ang pagtindig ng balahibo ko at kiliti dala ng hiningang tumatama a aking batok.


******

"Hindi kayo kasya sa kwarto ni Madi, meron ako'ng ginawang maliit na kubo malapit sa palayan,doon na lamang kayo" sabi ni amang kaya napatango ako at kukunin na sana si Eli sA kanya pero iniwas niya ito sa akin.



'Anak ko yan amang! '


"Dito na ang mga bata, baka hindi ito makatulog sa ingay na lilikhain niyo" nakangising bulong niya pero mukang narinig ni David dahil tumawa ito sa kabilang kahoy na upuan naramdaman ko ag pag init ng pisnge ko kaya hinawakan ko ito.



"Oh siya!  Auring hawakan mo muna itong si Elija, ihahatid ko sila sa tutuluyan nila" sabi ni amang pero halos hindi ak nakagalaw sa kinatatayuan kung hindi lang ako hinila ni David ay hindi pa ako gagalaw.



'Anong ingay na lilikhain? '

Narinig ko ang pagtikhim ni David, kahit madilim t ang kalboro lang ni amang ang ilaw namin sa daan ay kita ko parin ang ngisi sa muka niYa kaya napaiwas ako ng tingin.



'Akala naman niya'






"Maiwan ko na kayo ha,pasensya na at walang ilaw malamig naman ang hangin kaya hindi kayo mababanasan,ito ang kalboro" abot sa akin ni amang kaya napatango ako nilabas niya ang lighter niyang may maliit na ilaw at tinapik ang balikat ni David Bago lumabas ng bahay kubo.


My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ