PT-18

2.7K 63 0
                                    

"Ang tahimik dito" bulong ko sa kanya tulog na ang mga bata ng makarating kami sa Papandayan Pinamalayan Or. Mindoro,ramdam na ramdam sa simoy ng hangin na nandito nga kami sa probinsya.


Niyakap niya ako mula sa likod kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

"Dito nalang tayo tumira,gusto mo?" napaharap ako sa kanya sa sinabi niya mabilis akong tumango.


Tahimik at malayo sa gulo ang lugar na ito ang mga tao ay mababait at madaling pakisamahan.

Nakita ko ang pagsilay na ngiti niya.

"Dito na" sabi ko tumango naman siya at yumakap sakin.


"Malayo sa mga higad" dugtong ko pa narinig ko ang pagtawa niya pero umirap lang ako.

Nakasandal ako sa teresa,hindi malaki ang bahay hindi second floor tatlo ang kwarto at maliit ang sala,kompleto ang gamit kaya panatag ako ng dito nalang talaga kami.

"Mag Puerto tayo bukas" wala sa sarili kong sabi,narinig ko na naman ang tawa niya na nakakainis kaya napasimangot ako .

"Opo boss"

Kinabukasan pagkagising nila Chrizzy ay naghanda na agad kami nagdala lang ako ng kaunting damit ng mga bata ...


"Mommy daan tayo sa mall" narinig ko na naman ang makulit na si Chrizzy.

"Walang mall dito baby.." natatawang sabi ko at tumingin sa labas nakasakay na ngayon kami sa kotse papuntang Puerto galera.

Medyo malayo dahil nasa Papandayan pa kami at dadaan pang Pinamalayan pero alam ko na sulit ito dahil maganda at malinis ang beach.


Nakatulog ako ganun din si Eli sa kalungan ko nagising lang ako ng gisingin ako ni David nakaratingin na kami.


Nagpa book na pala si David kagabi kaya may naghihintay na sa aming boy sa labas malaki ang ngiti ko ng makita ang dagat at pinong buhangin nagsimula ng mag ingay ang mga bata.

"We will swim later,mainit pa gusto mo bang umitim Chrizzy?" narinig ko na tanong ni David sa anak namin.

Tiningnan ko sila kalong ni David si Chrizzy sa kabila at si Chrizzy sa kaliwa habang ako ay si Eli na tulog parin.


Pumunta muna kami sa cabin at nagpahinga saglit nakatulog pa ang mga bata kaya nagpadala ng pagkain si David.

"Labas lang ako" paalam ko kay David hindi ko na siya hinintay sumagot at lumabas na.

Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin dahil umulan lang kani kanina napangiti ako ng may yumakap sa akin ang akala ko ay si David pero hindi mabilis akong humiwalay pero hinawakan ako nito.


"Ano ba! Bitiw" sigaw ko pero ngumisi lang ito


Balbas sarado ito at malaki ang katawan kaya ng itulak niya ako sa buhanginan ay natumba agad ako.


Tumayo ako at agad na tumakbo pero naabot niya ako,nahila niya ang buhok naramdaman ko ang pag sakit ng anito ko tiningnan ko ang kwartong inuukupahan namin,sarado ito.


"Davidddd!" sigaw ko pero napatigil ng takpan ng lalaki ang bibig ko.

Kapag may saya may lungkot kapag malungkot mayamaya sasaya? Ganun ba talaga...ganun lang ba talaga iikot ang buhay ko...hindi ba pwedeng purong saya nalang.

Hinigit ako nung lalaki sa gilid ng isang room walang katao tao.

Pilit ko siyang sinisipa pero ng sikmuraan niya ako ay napahinto na ako.

Natumba ako agad ako nitong dinaganan pero nakapikit lang ako at pilit iniinda ang sakit..

Naramdaman ko ang pagkasira ng shirt ko.

"David..." bulong ko bago mawalan ng malay.


Nagising ako ng nasa clinic na,napapikit ako ng maramdamang sumakit ang tiyan ko.


Napamulat ako ng maala yung kanina pinakiramdaman ako ang sarili ko pero naiyak nalang,hanggang sa lumakas ng lumakas ang iyak ko.


Narinig ko ang pagbukas ng pinto may humawak sa kamay ko biglang pumasok yung senaryo kanina,pinagpapalo ko ito.


"No! No!" sigaw ko.."B-Bitiwan mo ko! David...bitiw..b-bitiw" sigaw ko hanggang sa maramdamang may tinurok sakin at dumilim muli ang paningin ko.


Nagmulat muli ako pero pakiramdam ko wala ako sa wisyo wala ako sa katinuan pakiramdam ko mababaliw na ako.


"B-Baby.." narinig ko na tawag ng kung sino pero hindi ako umimik naramdaman ko na naman ang kamay na humahawak sakin kaya nagpumiglas ako.

"Ako to Eunice! A-Ako to pleasee" niyakap ako nito pero pinaghahampas ko lang ang likod niya.


"B-Bitiw...D-David..tulong" mahinang pagmamakaawa ko s pagitan ng paghikbi.


Humiwalay ito sa akin pero ang tanging nakikita ko lang ay ang lalaki kanina,hindi ko to kilala.

"No! T-Tulong!" sigaw ko at tumingin sa pinto hinawakan ako nito sa pisnge pero nagpumiglas ako.

"Please! Eunice comeback to us! Please b-baby wag ganito,w-wag" hindi ko namalayang umiiyak na ako hindi ko namalayang tumatangis na ako.


Niyakap ako nito kaya napapikit ako.

"David..." bulong ko.

"Y-Yeah,baby...it's me,it's me"bulong nito.

"David!" sigaw ko at niyakap siya."Help me! David...." narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng doctor.


Nakita ko na tuturukin ulit ako pero hindi pumayag si David,hindi siya umalis hindi siya umalis sa tabi ko hindi siya umalis sa pagkakayakap sakin.

Hanggang sa makatulog ako na yakap siya





My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora