Kabanata 27

5.2K 93 0
                                    

Nagising ako sa compartment ng kotse,masakit ang ulo ko sisigaw na sana ako dahil hindi ako makahinga ng maging ungol lang ito.

Nakatape ang bunganga ko!Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

'Diyos ko tulungan mo po ako' dasal ko sa isip ko habang ang mga mata ay lumuluha,naramdaman ko na tumigil ang sasakyan kaya naging alerto ako.

Nakarinig ako ng putukan sa labas.

'Mc!'

Naramdaman ko na naman ang mabilis na pag andar ng sasakyan kaya napaluha ako,jusko ito na ba ang katapusan ko?

Patuloy parin ang putukan,kaya hindi na ako nakatiis at sumipa ng sumipa upang makalabas.

Nakalock! Shit...

Lalo ako'ng napaiyak ng maramdamang gumigewang ang sasakyan maya maya pa ay naramdaman ko itong bumaligtad kaya nauntog muli ang ulo ko naramdaman ko ang lagkit dito marahil ay nagdugo na naman.

Gumulong pa ito at halos makagat ko ang sariling dila ng maramdamang naipit na ang paa ko,mayamaya pa ay tumigil ito.

Alam ko na sasabog ito kaya kahit hilo ay ginalaw ko ang binti ko pero napaiyak ako ng hindi ko na ito maigalaw sobrang sakit.

Nararamdaman ko na para akong kakapusin ng hininga kaya pumikit ako ng mariin.

"EUNICE!" narinig ko si Mc na sumigaw sa labas.

Ligtas na ba ako?

"F-Fuck baby,babyy!!" sigaw niya bago ako mawalang ng malay.

David POV

"Babe?" tanong ko ng hindi na siya magsalita,nakaramdam ako ng kaba.

Tatanggapin ko nalang ang mga bodyguards ni Deleon para mapanatag ako?

Huminga ako ng malalim ng magsalita siya.

Nagtatawanan pa kami kaya alam ko na ayos lang siya.


Lately nkakareceive ako ng mga death threat pero panatag ako na binabantayan ni Cricia ng maayos ang mahal ko ngayon lang ang hindi dahil nasa hospital ito bukas pa ang labas.


"M-Mc.. I think may sumusunod sa akin" dun na ako naalerto ar mabilis na kinuha ang baril ko tatayo palang sana ako ng makarinig ng putok ng baril.

Wala pa man ay nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha ko sa takot.


Sabi ko wag nigang patayin ang tawag pero sunod sunod ang putok ng baril na naririnig ko hinack ko ang selpon niya at natukoy kung saang lugar ito.

Sinimulan ko na ang pagpapatakbo ng mabilis walang pakialam sa red light basta.mailigtas ko lang si Eunice.

Nasasaktan ako tuwing naririnig ko na humihingi siya ng tulong sa akin pero wala ako'ng magawa nagkatao'ng may dumaan pa na matanda kaya napapreno ako nahampas ko nalang ang manibela sa gigil pero hindi ko kaya'ng maging bastos.

Narinig ko ang pagtama ng kotse sa kung saan kaya naluluha ako'ng pinaandar muli ang sasakyan.

Sabi ko wag niya'ng papatayin ang selpon niya dahil hahanapin ko siya pero wala ako'ng narinig kundi pag daing niya lang.

Fuck baby!

Mas  binilisan ko pa pero halos mabangga ako ng marinig ang pagkasa ng baril sa kabilang linya at boses ng lalaki.


"Don't move"

Nooo!

Narinig ko pa ang pagsigaw ni Eunice bago mamatay ang tawag.


"Mc! Help me! Papatayin nila ako!"

Napapikit ako sa frustration ng walang madatnang Eunice tanging sasakyan niya nalang ang nakita ko ang regalo ko sa kanya na kotse na nakabangga sa malaking puno nandun dinang cellphone niya.

Nasaan ka Eunice?

Humingi ako ng tulong kay Larren kahit alam ko na busy siya ngayom dahil masa hospital din si Cricia pero mahalagang bagay to!

Pumayag naman siya basta wag lang ipapaalam kay Cricia dahil siguradong magwawala yun.


"Nakita ko na!" sigaw ni Larren sa likod habang nakatutok sa computer niya.

Nakita ko ang pulang kotse na dumukot sa baby ko.Nagpalitan kami ng putok ng baril at halos mabaril ko na si Larren ng patamaan nito ang gulong fuck my baby is in there!

"Eunice!" sigaw ko at lumabas sa sasakyang sirang sira na,ano mang oras nito ay sasabog na kaya kailangan ko ng makuha si Euni.

Nakarinig ako ng ungol kaya sinilio ko ang nasa loob pero mga sugatang kalaban ang nasa loob.

"Mc! Dito!" sigaw ni Tyron kaya lumapit ako dun,may kinalikot siya sa lock at bumukas ng kunti yun.

Sobrang hirap buksan dahil yupi ito.
Hindi ko namalayang umiiyak napala ako habang pinipilit buksan ito.

"E-Eunice" iyak ko ng masira ko sa gigil ang nakaharang sa kanya.

Nakita ko siya at halos matumba ako ng makita ang kalagayan niya.

Lalo ako'ng napahagolgol ng makitang hindi siya gumagalaw,nakatali ang mga kamay niya gundin din sa paa ang bibig ay nakatape,napupuno ito ng sarili niyang dugo.

Binuhat ko siya muntik na ako'ng matumba sa panlalambot ng tuhod
buti nalang naalalayan ako ni Larren.


"EUNICEE!" narinig ko pa si Cricia pero ang mga mata ko na tulala ay tanging nakatutok lang kay Eunice na dinadala na nila sa loob.May tama siya ng bala sa braso at tiyan.

Napasalampak ako sa sahig ng hindi namamalayan at tumungo habang umiiyak naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Cricia at kwinelyuhan ako nakita ko na umiiyak siya pero wala ako'ng pakialam ang tangi ko lang gusto ngayon ay mailigtas ang tao'ng mahal ko.

"Ano'ng nangyari Herrer?!Ano!?"

Pero hindi ko siya pinansin at nagbaba ng tingin habang ang mga luha ay sunod sunod na pumapatak.

Hinigit naman siya ni Larren kaya akala ko titigil na siya pero lalo ako'ng napaiyak sa sunod niyang sinabi.

"Paano ako titigil?Nakita ko ang  kaibigan ko na halos wala ng b-buhay sabihin mo sakin p-paano?" paos nitong sigaw at napaluhod

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt