Kabanata 2

11.3K 172 7
                                    

Hanggang sa matapos ang araw,nakatulala lang akong umiiyak,wala naman masyadong ganap ngayong araw nagmukang day off ng lahat pero nasa kanya kanyang cubicle at opisina kami.

Narinig ko pa ang pagpasok ni Boss at humingi ng tawad sa pagbibintang ng kanyang anak.

Hindi naman ito ang unang beses,nauna na ang kaniyang ex-wife na kumprontahin ako hindi nga lang masasakit na salita,kundi mag asawang sampal.

Iwinaksi ko na ang sa isipan mo ang bagay na yun last month pa yun pero parang kahapon lang.

Buti nalang hindi naniniwala ang mga empleyado dito,kilala naman nila ako.

Kinabukasan....

Narinig ko ang pag alarm kaya nagising na ako saktong alas 4 ng madaling araw.

Naghanda na ako,mas aagahan ko na ngayon para hindi ako mahuli,hanggang ngayon kasi ay ramdam ko parin ang mabibigat niyang titig dumagdag pa ang malagkit niyang tingin sakin!.

Habang naglalakad rinig na rinig ang aking takong papasok,hapit din ang aking mga damit.

Hindi ko alam kung bat ba ako nagpapaganda?

Bahala na nga!

Napabuntong hininga ako ng makita ang mga mata nilang tila naaawa sa kalagayan ko ngayon.

Alam ko na simula ngayong araw magiging mahirap na para sa akin ang lahat.

Nakapasok na ako sa elevator pero bago pa mag sara yun ay pumasok agad
Napaangat agad ako ng tingin.

Ganun nalang ang pagtalbog ng puso ko ng makita ko kung sino ito.

'Si Sir Mc!' sigaw ng isip ko.

Nanginginig akong napausod sa kabilang dulo,habang nakayuko.

"Ehem...!" rinig kung tikhim niya,kaya nag angat ako ng tingin.

Napatalon pa ako ng sumalubong sa akin ang malalamig niyang titig.

"Ms Agustin.."baritono niyang bigkas sa aking pangalan na nag mistulang musika sa aking dalawang taynga.

'Ano ka ba!' saway ko sa sarili ko.

"S-Sirr... Mc..G-Good M-M-Mor-ning po" jusq! Ni hindi ako makapagsalita.

Napatawa naman siya.

"Kamusta ang gabi? Nakatulog kaba ng mahimbing?" may sarkasamo niyang tanong sa akin.

Parang alam ko na kung saan to papunta.

Tumayo ako ng tuwid at huminga ng malalim dahil naninikip ang dibdib ko sa palagay ko ay mabubuwal ako ano mang oras kapag nagsalita o nagtanong pa siya ng kung ano sa akin.

Ang mapagbintangang kabit ng iyong Boss o kahit na sino ay malaking kahihiyan na para sa akin pero yung harap harapang kang busisain ng anak nito ay para na ako'ng binibitay.

Matapang ako'ng tumingin sa kanya nakita ko ang pagdaan dun ng gulat pero napalitan din ng pagdilim ng muka.

Siguro hindi namang masama'ng ipagtanggol ang sarili lalo na at wala namang katutuhanan ang ibinibintang sa akin.

Kahit nahihirapan ay nagawa ko pa siya'ng ngitian ng matamis hindi naman ito natinag kaya nagbuntong hininga ako at matapang na nagsalita.

"Oo,masarap ang tulog ko sir,ikaw masarap po ba ang tulog mo?" tanong ko sa kanya gusto ko'ng palakpakan ang sarili ko dahil hindi manlang ako nautal.

Nalaglag ang panga niya nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao habang ang mga mata ay galit na nakatingin sa akin.

Napasigaw ako ng bigla niya ako'ng hatakin,mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso tila gigil na gigil.

Iniangat niya ang baba ko gamit ang isa niyang daliri.

Takot ang lumukob sa akin sa maaari niyang gawin lalo na at dalawa lang kami dito sa loob.

"Whore"mahina niyang bulong bago niya angkinin ang labi ko.

Mapagparusang mga halik ang kanyang iginagawad sa akin,naramdaman ko ang pagdugo ng aking labi dahil dito.

Pero ang mga mata ko ay mulat na mulat maging siya din ay nakatitig sa akin ng mariin habang hinahalikan ako.

May lumukob na kakaibang init sa akin ng maging marahan ang mga halik niya ang dila ay tinutudyo ang akin minsan ay humahagod sa aking labi at sinipsip ito.

Ang mga kamay niya ay malayang naglalakbay sa lantad ko na binti,humihimas at pumipisil napapikit ako sa sensasyong dala ng kanyang labi at kamay.

Tutugon na sana ako sa ng biglang tumunog ang elevator hudyat na nandito na kami.

Nagulat ako ng bigla niya ako'ng tinulak,napanganga ako sa bigla.Nakita ko siya'ng pinupunasan ang gilid ng labi dahil sa nagkalat na lipstick galing sa akin.

Napatulala lang ako,nakatitig  lang ako sa bawat galaw ng kamay niya pero napababa din ng tingin ng bumaling sa akin ang mga mata niya.

"Fix yourself" malamig niyang utos sa akin at lumabas na.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot dahil sa pakikitungo niya sa akin para ako'ng pagkain na inabot sa kanya pero ng tikman ay itinapon.

Nanghihina ako'ng sumunod nalang sa kanya at dumiretso sa ladies room.

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora