Kabanata6

9.9K 151 5
                                    

Hinatid niya ako sa aking apartment matapos kung manuod nagbihis lang pala siya kaya siya pumasok sa kwarto.

Nagbihis ulit....

Tumigil ang sasakyan pero wala ni isa sa amin ang gumalaw at nagsalita.

"Hmm.." magsasalita na sana ako ng putulin niya ang sasabihin ko.



"Forget it" simpleng salita pero para akong sinaksak ng paulit ulit ni hindi ako makalunok ng maayos!


'Forget dw beh! In tagalog kalimutan!' sigaw ng isip ko.

Napakuyom ako suot ko ngayon ang polo niya grabeng tuwa ko kanina ng ipahiram niya sakin to pero parang gusto kong murduren itong damit at dito ibuhos lahat ng sakit!

Alam ko na sobrang tanga ko para ibigay ko sa kanya ang aking sarili kahit alam ko na masasaktan ako pero.... Akala ko kahit papaano ay matatanggap niya ako kahit bilang babae manlang,alam ko na may puwang na siya sa puso ko,pero ang pakikitungo niya sa akin ang nag uudyok na layuan ko siya.

Napahinga ako ng malalim,nanginginig ang mga labi ko.

"Okay"yun lang ang sinabi ko at dali daling lumabas hindi ko ininda ang sakit ng nasa pagitan ko,pagkalabas na pagkalabas ko ay muntik na akong matumba sa panglalambot.

Mahal ko siya! Mahal na mahal ko na siya! Unang kita ko palang ng muka niya sa mga magazine ay alam ko na na gustong gusto ko na siya.

Lalong tumibay lang ito ng masilayan ko siya sa unang pagkakataon pero hindi ko akalain na naniwala pala siya sa mga bali balitang kabit ko ang daddy niya.

Napahawak ako sa labi ko upang hindi lumabas ang hikbi ko.

Dali dali akong pumasok sa apartment ko at kinandaduhan ko ito.

Hindi katulad sa ibang mga drama hindi ako nagmukmok sa isang sulok! Naglasing ako! Lintik! Buti nalang may motso ditong dala ang kaibigan kong si Cricia.

Ang bruha na yun hindi manlang ako dinadalaw!

Hanggang sa nakatulugan ko ang aking pag i-emo.

_____________
Nagising ako sa alarm ko,pero kinuha ko lang ito at binato,lumipat ako sa kama at tumihaya,natulog muli ako.

________
Nagising muli ako sa ingay ng selpon ko,napakunot ang nuo ko at dahan dahang iminulat ko ang mata ko pero napapikit ulit dahil sa sakit ng ulo ko.

Kinuha ko ang bwisit na selpon na patuloy pa ding tumutunog.

"WHAT!?" bulyaw ko sa kung sino man ang tumawag,nakapikit lang ako habang hinihintay na sumagot ito,napapasabunot ako sa buhok dahil nahihilo talaga ako pag minumulat ko ang mga mata ko.

"M-Ms....kanina p-pa p-ooo kayo h-hini-hinta-tay...ehem! Hinihintay ni S-Sir."nanginginig na sabi ng boses babae na tumawag sa akin.

Wait.....Sir? Sirrrr?

Si sir Mc!

"Shit!"sigaw ko bumuntong hininga naman ang babae sa kabilang linya.

Pakiramdam ko na buhay ang katawan ko dahil sa takot,ngayon lang ako nalate!

"Okay...okay!"sigaw ko muli at pinatay ang tawag hinagis ko naman ang selpon at tumakbo na papuntang CR muntik na akong madapa dahil sa bilis ng galaw ko.

Yan mag emo ka pa! Isip isip ko pa....

Halos mag buhos nalang ako pero hindi ko nakalimutang mag-shampoo,wala ng sabon sabon at nagbuhos na lang.

Dali dali ako'ng lumabas pagkatapos magbuhos habang sinusuklay ang buhok ay tumingin ako sa malaki kong orasan,namilog ang mata ko ng makitang mag-aalas-dose na!.

Nagdamit na ako,pagkatapos ay kinuha ang bag at tumakbo na palabas..

Pumara ako ng taxi at nagpahatid na sa Herrer Corp.

Ininda ko nalang ang sakit sa pagitan ng hita ko.


Habang nakasakay ay naghahanda na ako kung ano ang magandang dahilan,nawala ang sakit ng ulo dahil sa takot na nararamdaman ngayon,ayoko mawalan ng trabaho! Huminga ako ng malalim kung ano ano ang iniisip ko hindi naman agad ako matatanggal.

Ala una na ako nakarating sa Herrer Corp hindi ko na binati pabalik ang mga bumabati sa akin sa bilis ng lakad ko,hindi ako pwedeng tumakbo hindi ako confident beautiful,baka pag tumakbo ako ay mapigtas ang takong ko at madapa pa.


Habang nakasakay sa elevator ay kinakalkal ko ang bag ko pero mali pala ang nakuha ko na bag! Mga papeles to ni Cricia!

Napapikit ako ng mariin sa kamalasang nangyayari ngayon sa akin,sobrang putla ko pa naman! Sa sobrang puti ko mapagkakamalan na ako'ng anak ng araw pero ngayon baka isipin nila na nagpapaturok ako lalo na at wala ako'ng lipstick! Sobrang putla ko.

"Miss!" sigaw nung babae nabosesan ko siya siya yung tunawag sa akin kanina, nasa gilid siya ng desk ko na tila inaabangan ang pagdating ko.


"Ms.Hinihintay po kayo ni Sir sa loob" sabi niya lang at dali daling umalis.

Napahinga ako ng malalim sa panlalamig na nararamdaman ko,nakakatakot! Para na akong bibitayin ngayon pero dapat harapin ko siya,ibinaba ko na ang gamit ko at dahan dahang nag lakad papunta sa kanyang opisina.


Binuksan ko ito bigla,nabigla ako dapat kakatok muna! Isasara ko na ulit sana para kumatok pero narinig ko siyang nagsalita.

"Babe,calm down uuwi ako sayo mamaya hinihintay ko lang ang sekretarya ko" malambing niyang sabi nanigas naman ako.


Babe? S-Sino?

"Yeah,my dad's whore"muntik na akong matumba sa sinabi niyang muli narinig ko ang tawa niya na nakakaluko na ikinapikit ko ng mariin dahil nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha ko,sa pagpikit ko ay dun ko naramdaman ko ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko sa pisnge.


Nanginginig ko na sinarhan ng maingat ang pinto.

Nanginginig ako hindi dahil sa galif kundi sa sakit na nararamdaman ng puso ko,hindi ko kayang magalit dahil iisipin ko palang na galit ako sa kanya ay tumututol na agad ang puso ko.



Tumalikod ako,nakatungo lang ako at hindi makatingin sa daan,kampante ako na walang makakakita sa aking pag iyak dahil dalawa lang kami sa 12ft floor nagkakatao lang dito kapag may magpapapirma.


Dumiretso ako sa ladies room na ipinagawa dati ni Boss para sa akin,baka dahil dito din nagsimula at pumutok ang bali balitang kabit niya ako.


Sobrang sakit ng puso ko na tila may gumuguhit dito na ngayon ko lang naramdaman kapag sinasaktan naman ako ni tiya ay hindi ko nararamdaman tanging hinagpis lang dahil sa hindi makatarungang ugali na ipinapakita niya sa amin ni Cricia

Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay kakaiba tama ang sinabi nila,parang binibiyak ang puso kapag nasasaktan ka at ang dahilan ay ang mahal mo.


Napaupo ako sa gilid ng CR walang pakialam kung mabasa ang pwetan mailabas lang ang lahat ng sakit pero kahit na inilabas ko na ang lahat man ng luha ko wala mang matirang tubig sa katawan ko kakaiyak mananatili parin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora