Kabanata 28

5.3K 103 1
                                    

May hangganan ang buhay ng tao kaya dapat bawat araw maging espesiyal para sayo dapat pahalagahan mo dahil hindi mo din alam na habang ikaw ay naghahangad na mamatay dahil heartbroken ka mero'ng tao sa labas na gusto pa'ng mabuhay pero hindi na kaya ng katawan nila.

Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko habang tinitingnan si Eunice ngayon.

Bawat patak ng luha ay hinagpis sa loob ko sa mga sindikatong gusto ako'ng saktan.

'Bakit nila dinamay ang mahal ko?'

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Giovanni bago ako pumirma ng kontrata sa kanila.

Kuntratang parang inalalagay mo ang iyong isang paa sa hukay.

'Once na pumirma ka na,wala ka ng kawala Herrer,magtago ka man hahanapin parin kita at kung hindi kita mahanap? Ang mahal mo sa buhay ang gagalawin ko'

At dahil gusto ko magrebelde sa lahat ng nangyari sa akin dati ay walang pagdadalawang isip itong pinirmahan,tiwala ako sa yaman ng mga Herrer kaya....

"Kaya mo yan anak,lumapit kana" udyok sa akin ni mommy pero ni hindi ko magawang humakbang ni ang magsalita dahil pakiramdam ko sa unang salita palang na babanggitin ko ay pipiyok na ako.


Umiling ako habang umiiyak.

Niyakap naman niya ako.

"K-Kayanin mo anak ano kaba!" pinalo niya ako sa balikat pero imbes na kumalma ay lalo ako'ng napahagolhol.

"H-Hindi ko kaya m-mommy" sabi ko sa pagitan ng aking pag iyak.

'Ayoko! Nahihirapan ako! Nahihirapan ako'ng makita siya pakiramdam ko bibigay ang katawan ko ano mang oras kapag tumayo ako sa tabi ng katawan niya'



"Naiintindihan kita anak,p-pero ayusin mo ang sarili mo hnm..may mga anak kayo'ng anak na naghihintay,lakasan mo ang loob dahil nakikipaglaban din si Eunice" paliwanag niya

Napatango tango naman ako.
At humiwalay sa yakap niya.

Nakasuot na ako ngayon ng pang hospital gown pinag mask narin ako.

Isa lamang ang pwedeng pumasok sa loob kaya pinauna ko muna kanina si Cricia nakalabas na siya at dire diretsong umalis sinundan naman siya ni Larren.

Nanginginig ko'ng binuksan ang pinto.

Sumalubong sa akin ang tunog ng makina na hudyat na humihinga padin siya.

Nakabenda ang ulo niya ganun din ang ibang sugat ay may tahi na lalo na sa braso na natamaan ng bubog ang isang paa ay nakataas dahil ito talaga ang napuruhan meron din siya'ng tubo sa bunganga niya.

Hindi ko namalayang sunod sunod na pala ang pagpatak ng mga luha ko amg hininga ko ay kinakapos.


Masaya pa kami kagabi na nagbibiruan,nagtatawanan pa kami hanggang sa dumating ang mga hayop na yun!

Kahit nanlalambot ang mga tuhod ay humakbang ako papalapit.

Dahan dahan ako'ng naglakad at lumuhod sa kanya.Hinawakan ko ang kamay niya at dun binuhos lahat ng mga luha'ng gusto'ng gustong lumabas sa aking mata.

"P-Please....I-I love you s-so much! W-Wake up! D-Don't you ever leave us!" umiiyak ko na sigaw habang mahigpit na hinahawakan ang mga kamay.

Nakakabakla mang pakinggan pero hindi ko kaya,hindi ko kaya'ng mawala siya sa buhay ko.

"I-I might die! I'll commit suicide.Do you here me E-Eunice! H-Hindi ko kaya.....parang awa mo na" nanghihina ko na sabi sa kanya at tuluyan ng napasalampak sa sahig habang hawak padin ang kamay niya at lumuluha.

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora