Kabanata 33

5.1K 85 1
                                    

"Sandali lang pano naman kami!? Walang pagkakatao'ng mag model diyan?" sigaw ng walangyang si Lorraine ang pisting fashionista na yun!

"Oh di repeat! Music maestro!" sigaw naman ni Cricia kita ko pa ang pagkindat niya kay Manang Pasing!? Yung kapitbahay namin sa probinsya na tumutulong samin pag nagkakasumpong si tiya..


"Matino ang isip ko pero ako'y sabog na"

Panimula ng kanta kaya nagsihagalpakan ng tawa ang mga tao.

'Mga walangya this is my weeding!? Nevermind.... Mukang memorable to'

"Alam ko ang tama't mali pero ako'y sabog na

Akoy natutuliro o alam mo ba
Kasi ako'y sabog na ako'y sabog na"


Madaming nagkukuhaan ng mga video's mga hinayupak!

Naunang maglakad ang walang hiyang si Lenny na mayabang na na ginagalaw ang dalawang balikat katulad ni Robin Padilla!

Ganun din ang iba pero si Lorraine may dala pang camera habang pinalilibot ito!
Hayop! Mga hayoooppp!

"Lalabas sana ako ng bahay akoy sabog na"

Sumunod naman si Jenny at nagtwek pa! Yan talaga siya eh! HAHAHAHHA

"Makikihalubilo sana ako pero akoy sabog na."

Pero hindi ko akalain na susunod si Cricia!

Napanganga ako ng mayabang siyang naglakad kinuha niya ang kanyang salamin sa mata at sinuot ito.

Naghiyawan naman ang mga pulis pero ang lalong kinatwa ko ay si Larren na nagchichear!

"GO SEXY! GO SEXY! Go sexy Cricia Carl~"

Pag chichear pa ni Larren habang kumikembot!

Kung hindi lang sila magjowa ni Cricia iisipin ko talaga na bakla ang kakambal ni David!

"Kinakausap ko ang aking sarili o alam mo ba

Kasi Akoy sabog na akoy sabog akoy sabog na"

Pagtatapos ng kanta lahat ay napatingin sa akin nakita ko pa ang pagsigaw ni Mommy Helga habang hawak si Chrizzy! At si Daddy Leon ay hawak si Chrizzel,napangiti ako pero nawala ang ngiti ko ng tumugtog na naman.

"Paano kung wala kana

Paano ba ang mag isa

Mula ng makasama ka

Kung paano'y wala ka na"

Rinig na rinig ko ang tawanan nakita ko si Father na napapailing habang tumatawa.

'Bakit ba si Aling Pasing ang namamahala sa Music!'

****

Natatawa ako habang pinapakinggan ang pinapatugtog ni Manang Pasing 'Paano kung wala kana?' by Dulce...lagi ko yun naririnig sa probinsya.

Dati ayoko talagang mapakinggan yung mga ganyang tugtugin dahil hindi tugma sa akin pero ngayon naiintindihan ko na ang matatanda na mas pinipili parin ito masyadong malalim ang salita at madaming pinaghuhugutan

Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko sa pisnge inabutan ako ni Tyron ng bulaklak ngumiti naman ako sa kanya kaya napatingin ako sa mga pinsan ni David na hindi ko pa lubos na kilala si Tyron lang talaga,nakita ko ang lalaking matikas ang titig.

"Baby! I'm here!" sigaw ni Mc na nagpatawa sa lahat.

"Wag mo'ng titigan yan baka magayuma ka niyang Miguel na yan!" sigaw niyang muli kaya kahit naiiyak ay natawa narin.

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Where stories live. Discover now