Kabanata 7

9.3K 141 1
                                    

Marupok? Lintik yan! Pag ulam na ang lumapit sayo hindi mo na mapipigilan.

'Ay te malandi ka talaga! Wag mo ng ipagtanggol ang sarili mo' saway sakin ng isip ko.

Unti unti ko na talagang tatanggapin na marupok ako! Baliw pa!

'Haler! 29 na kaya si Eunice! Kung wala man siyang mapapangasawa eh di may magandang anak naman siya kung mabunti ni fafa' isip ko na naman.

Napabuntong hininga nalang ako.

Tumayo na ako,grabe magang maga ang mga mata ko ganun.

Sobrang putla ko pa!

Muka akong SABOG!

Lumabas na ako dahil wala naman akong dala kahit anong panglinis at pang paganda ng muka.

Dumiretso na ako sa opisina ni Sir.

Kumatok muna ako bago pumasok.

Pinatigas ko ang aking ekspresyon pero sa tingin ko ay hindi naman kaylangan dahil wala naman siya pakialam sa akin.

Napakagat ako ng labi dahil nagbabadya ang mga luha ko na gustong pumatak.

" Sir pinatawag niyo daw po ako?" mahina kung tanong sa kanya pero nakatitig lang siya sakin ,hindi nakatakas sa paningin ko ang simple niyang pag irap.

Sakit!

"Kunin mo ito,kailangan mo tong matapos bago mag gabi,maliwanag?" mariin niyang sabi habang nakatitig sa akin.

Napatingin naman ako sa mga papel na tinutukoy niya.

At halos manlumo ako ng makita ko na sobrang dami nito.

'Hanggang mamayang gabi!'

Kinuha ko na ito sa lamesa niya at muntik ng maghulugan ng maramdamang ko ang bigat.

Tumingin ako sa kanya upang humingi manlang ng tulong pero hindi na niya ako tinapunan ng tingin.

Lumabas na ako at binagsak lahat ng yun sa lamesa ko .

"Ang dami niyan Eunice ah!" sigaw sakin nila pero hindi ko nalang pinansin wala ako sa mood makipag please sa kanila ngayon.

Lumipas ang 2 oras.

"Eunice meryinda na! Bilhan kita gusto mo?" sabi saken ni Mam Shella pero umiling lang ako mag aalas 3 na kailangan ko tong matapos bago mag 6,tiningnan ko naman ang mga papel na kailangan ko pang tapusin pero nawala ang ngiti ko ng makita kung gaano pa ito kakapal sa tingin ko hindi na ako makakatapos ngayong araw kahit gabihin pa ako.

"Hey girl!" sigaw ng kung sino kaya nag-angat ako ng tingin nakita ko ang pamimilog ng mata nito pero hindi ko nalang pinansin muka siyang pamilyar pero...kahawig niya si Sir? Kambal niya?
Parang nakita ko na ito....


Ngumiti siya ng matamis,napakapit naman ako sa panty dahil sa palagay ko malalaglag ito.


Malandi! Sigaw ng isip ko kaya napaiwas ako ng tingin.


Tumikhim muna ako bago tumingin kanya nasalubong ko ang matang katulad ng kay Mc,napaatras ako kahit wala akong maatrasan dahil sa gulat.


"Nandiyan ba si Kambal?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Tumango lang ako hindi parin nakakabawi sa pagkakagulat.

Dire diretso naman itong pumasok sa opisina ni Mc.

Napabuntong hininga at kumapit sa aking lamesa...


Mayamaya pa ay narinig ko ang pagkabasag sa loob napangiwi naman ako,close naman sila diba?


Napailing nalang ako at tinuloy ang pagtatrabaho hindi inintindi ang mga gamit na nababasag sa loob.


Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at parehas na lumabas ang dalawa,una ko'ng nakita si Mc.


"Cancel all my appointments" utos niya at tuloy tuloy na naglakad.


"Hey Ms Euni,it is nice seeing you again!" maligaya niyang sabi sumunod na kay Mc.

Euni? Si Cricia lang ang tumatawag sa akin nun? Pano niya naman nalaman ang pangalan ko?

Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa sumara ang pinto.


Weird

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Where stories live. Discover now