Kabanata 19

7K 125 0
                                    

"B-Babe...niluluko lang ako ng batang yun,hindi ko kasi tinuloy ang pagtulong sa school nila,saka may nabaril dun na batang babae kaya andito siya"paliwanag niya na akala mo simpleng bagay!.

"Nabaril? Sino,sinong....estudiyante?"jusq! Kawawa naman...

Tumango tango siya....

"Puntahan natin siya Mc...daliii" sabi ko at tumayo na.

Lalabas na sana ako ng bigla niya akong hinawakan.

"No,it's not safe for you and the baby hindi parin nahuhuli ang may gawa nito bago andun lang yun nakasunod sa hospital na pinagdalhan" tumango tango naman ako.

Kapag tungkol sa baby wala na akong safe.

"Kamusta na daw ba?" tanong ko nalang.

Naaawa ako sa batang yun,nadadamay sa kawalangyaan ng tao sa mundo.

"She's not okay....for now...maraming bala ang tumama sa katawan niya" sabi niya habang tinatantiya ang ekspresyon ko.

"Jusko!" napahawak ako sa bibig.

Kung ang makagat ng guyam ay makirot sa balat at kung mabato ng bato ay napakasakit paano pa kaya ang maraming bala na lulubog sa katawan mo?

Naiiyak akong tumingin sa kanya.

"What is her name? Whyy...I mean bakit siya nabaril?" sunod sunod kung tanong.

"Aliana Shane Martinez a grade 10 student,nag iinvestigate pa sila pumunta dito yung kaibigan para humingi ng tulong pang pagamot"kahit hindi siya nautal napansin ko na parang may mali.

Nagsisinungaling ba siya.
Pero this is a serious matter!

Tumahimik nalang ako..

"Gusto mong kumain?" tanong niya umiling naman ako.

"Okayy....just wait for me here.Tatapusin ko lang to tapos dadaan tayo sa supermarket"sabi niya ngumiti naman ako ng malaki! I love supermarket maraming foods.


Nakaupo lang ako habang naglalaro sa selpon ni Mc ng ML,panes!

Seryoso ako sa paglalaro ng may biglang kumatok.

Nangunot ang noo ko? Kung si Jason naman yung sa intercome nalang yun idadaan,sino to? At bakit di pinigilan ni Jason?

Nevermind...

Tumingin muna ako kay Mc na busy mukang hindi pinansin kaya binaba ko na ang selpon hayyy sayanggg.

Ako na ang bumukas at bumungad sa akin ang mukang clown na babae.

Nagkagulatan pa kami pero napangisi naman siya

"Bagong babae?" sabi niya.

Anong sinasabi nito.

"MC DAVID! SINO TO!?"sigaw ko habang nakahawak sa tiyan ko panira ng araw.

Ginawang coloring book ang muka sayang ang ganda.

Muka namang nagulat si Mc ng sumigaw ako kaya iniwan muna ang ginagawa at lumapit sa amin.

"Who?" tanong niya mukang tinamad na naman magsalita.

Poor David pooorrr,magagaya siya kay Mauricio na mukang naistak ang laway sa bibig kaya napanis at umaabong tuwing bubuka.

"PANGGA KO!" sigaw nung babae kaya lalo akong nangunot.

Pangga huh?

Ipakulam ko na ba ito o ipaparaya nalang?

Galit akong tumingin sa babae.

Ngumisi naman ito sa akin.

"WHAT THE FUCK?" sigaw ni hindi ko kilala.

Simula ng marinig ko ang salitang pangga na yan wala na akong kilalang Mc David sino ba yun?

Hayop!

"Sino ka ba huh?" sigaw ko sa babae habang hawak ang malaki kung tiyan kaya na napatingin siya dun.

"Ay putang ina! Nakabuntis si virgin boy!" sigaw niya sino ba to?

"Lorraine?" mukang ngayon lang nakilala ito ni hindi ko kilala.

"Tumpak! Hinahanap ko ang pinsan mo! Nasaang kompanya ba un?" tanong nung babae mukang magkakasundo sila ni Cricia,mabunganga.

"You look different... Nasa office niya malamang" pilosong sabi ni Mc.

Ang harsh ni Baby boy.

Nakilala ko na siya ngayon hehehe.Tama yan mahal ko sungitan mo lahat ng babae'ng lalapit sayo.

"Sige sige saan ba yun?" tanong nito.

"Kailan kapa nakarating? Kamusta si Aling Pasing sa Mindoro?" tanong ni Mc.

Napasimangot ako,jusko? Ano ako dito statue?? Hello may tao dito.

Tumikhim naman ako nagulat si Mc muka naman siya'ng nagulat sa pagtikhim ko,praning.

Praning to palagi eh! Dahil bigla daw lumabas si baby.

Sumasama pa nga ito kapag mag wiwiwi ako dahil baka daw malaglag ang babies.

Luko talaga!

Tapos naglagay pa ng CCTV sa C.R para mamonitor daw ako kapag wala siya sa bahay.

Manyak lang talaga!

"This is Eunice Agustin....Herrer" halos matumba ako sa sinabi niya buti nahawakan ako.

Herrer huh?

Heheheheh....

"Oh? Sabi sayo eh ikaw ang mauuna dahil ikaw lang at ang kapatid mo ang mukang mabait!" napatakip ako ng tainga ng marinig ang boses niya.

"Sige na babyee,wag mo sabihin kay Tyron na lumuwas ako! Nagdisguise pa ako para hindi masundan ng mga bodyguards niya!" sabi nito at lumarga na.

"Let's go?" tumango lang ako at lumabas na kami.

" Cancel all my appointments may importante lang kaming pupuntahan" sabi niya.

Importante? Supermarket? Importante ba yun,minsan naiisip ko na gusto niya na din ako eh.

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Where stories live. Discover now