Kabanata 37

4.3K 83 0
                                    


"Mc,anong nangyayari?" nagtatakang tanong ko ng bigla nalang siyang pumasok sa kuwarto at kinuha ang malaking maleta. "Mc,saan tayo pupunta?" tanong ko ulit ng makitang pati ang mga damit ko ay sinasama niya.


Nakayla Mommy si Chrizzy at Chrizzel,saturday maghapon sila dun.

"Aalis tayo,pupunta tayo sa kapatid ni Mommy we need to go right now!" sigaw niya kaya nataranta naman ako'ng lumabas at pumunta sa kwarto ng mga bata. Puno ng tanong ang utak ko pero masyadong ukupado si Mc ngayon.


Dali dali akong bumaba ng marinig siyang sumigaw.


"Ano ba talagang nangyayari ha?" naiinis na tanong ko si Mommy at Daddy Leon ay nasa Airport na,masyadong mabilis ang pangyayari,kahapon ay nag dinner pa ang lahat tapos ngayon! "David!" sigaw ko na,ng tumigil muna kami dahil sa red light.


"Hindi tayo pwedeng madamay Eunice may mga bata" yun lang ang sinabi niya pero hindi nakatingin sakin

"Ano ba talaga David? Bababa ako dito kapag hindo mo pa ako sinagot" naiinis na sabi ko at napasuklay na sa buhok.



"Si Cricia si Lea,nalaman na pala ng mga Chen na si Cricia ang nawawalang anak,nasa panganib si Larren,kaya kailangan nating umalis lahat para hindi tayo madamay" seryosong sabi niya hindi ako nakagalaw,ang hininga ko ay bumigat.


"S-Si Cricia ay si Lea..." bulong ko nakita ko naman ang pagtango niya."Bakit naman tayo mapapahamak,David?" takang tanong ko at tinapunan siya ng tingin.

"Eunice...si Larren lang ang sinisisi nila remember the time ng tumawag si James satin? He told me na magtago na tayong lahat dahil kung hindi pa hiwalayan ni Larren si Cricia papatayin niya tayong lahat" galit niyang paliwanag kaya hindi na ako umimik.

Nakarating kami sa U.S ng ligtas,walang kahit na sino hindi ko mapigilang maluha sa sitwasyon ni Cricia at ni Larren ngayon,they don't deserve this naiipit sila sa gulo ng pamilyang ito.

"Daddy Leon?"tawag ko ng makita siyang nakatayo sa may pinto namin,tulog na si Mc at ang mga bata lalabas sana ako para uminom ng tubig pero pagbukas ko ay nakatayo lang siya sa tapat ng kwarto namin.


"H-Hija..."  tawag niya inaya ko naman ang matanda sa kusina para uninom.

"B-Bakit po?" tanong ko ng makitang nakatitig lang ito.

Nagbuntong hininga ang matanda at tumingin sa ibang direksyon.

"Rodel is my bestfriend,nagkahiwalay lang kami ng makapag asawa ito,bumalik siya kasama ang pamilya niya..Lealine Chen a very adorable daughter of my friend,naging kaibigan ng mga anak ko nila Larren at David...pinag-aagawan pa ng dalawang yun si Lea"  natatawang kwento niya kaya napangiti ako,bat ba ako nakakaramdam ng selos dun?


Pinilig ko ang ulo para mawala ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil dun,may Larren na si Cricia!

"But Larren always win,siyempre iyakin ang isang yun kaya laging napagbibigyan ni David,until one night nakarinig kami ng pag putok ng baril sunod sunod yun,nagising kaming lahat,dahil alam ko na sa bahay yun nila Rodel pero pinigilan kami ni Deleon ang hayop na yun ang sabi ay ililigtas ang asawa ni Rodel pati ang anak nito pero hindi niya nagawa" galit na kwento nito at mabilis na kinuha ang basong may lamang tubig at diretsong ininom ito."Nakaupo lang kami sa kwarto nun lahat kami ay nasa isang silid habang pinapakinggan ang mga putok,tumakbo si Larren ng makita si Lea sa baba,my son was so brave hindi namin napansin yun na bumaba siya hanggang sa bumalik ito sa taas na umiiyak simula nun nagigising nalang siya na umiiyak at hinahanap si Lea" nakita ko ang pagpatak ng luha sa isang mata nito pero mabilis niya itong pinahiran.

My Hot Secretary (Virgin Man Series #1)Where stories live. Discover now