CELESTIAL MAGIC ACADEMY

544 38 5
                                    

















<° CELESTIAL ACADEMY °>


















•••
•••























<• SOMEONE POV •>








'Take care of them. Protect them. As long as the prophecy is not yet awaken... Trained them until they became strong like you. Because when the time has come, their Guardians will come for them...'

Naidilat ko ang mga mata ko.

'... Minerva.'

Guardians...

Huminga ako ng malalim. Tumayo na ako at mabilis na nagbihis. Naramdaman ko na may paparating. Kumatok ang taong yun sa labas ng pinto.

"Minerva?" tawag nya. Napangiti nalang ako. Ang sarap padin sa tenga ng kanyang tinig. "Kailan ba yung training namin?" tanong nya.

Kassiopeai was right...

"Ngayon." sabay bukas ko sa pinto. Nakakunot ang kanyang mukha na sumalubong sakin. "Kanina ka pa gising?" nakangiti kong tanong.

"Hindi ako makatulog. Tss!" sagot nya. Mas lalo akong napangiti.

Kung mag-usap kami, parang hindi kami mag-Ina. At kung makapagsalita sya, parang hindi lang sya Isang Five years old Girl. Tss!

Well, nagmana sakin.

"Bakit ka naman hindi makatulog?" tanong ko.

Inilahad ko ang kamay ko sa harapan nya, nagpabalik-balik ang kanyang tingin sakin at sa kamay ko. Bumuntong hininga lang sya at inabot yun.

"Excited po akong mag-training." sumilay ang kanyang ngiti sa labi.

Sinimulan na naming tahakin ang daan pababa. Magkahawak ang kamay naming naglalakad sa malinis, makintab at malaking hallway. Tanging sariling boses lang naming dalawa ang aming naririnig.

"Excited?" tumawa ako ng mahina. "Hindi ka makatulog dahil excited kang mag practice? O baka naman..." makahulugan ko syang tiningnan.

Syempre kailangan kong iyuko konti ang ulo ko dahil masyado pa syang maliit.

"Minerva." nagsalubong ulit ang dalawang kilay nya. Pero nakasimangot ang bibig.

"I know you. Hindi ka excited sa training." tumigil kami sa malaking double door.

This is it.

Binitawan ko muna ang kamay nya saka binuksan ko na ang pintuan. Hahawakan ko pa sana ulit ang kanyang kamay ng tumakbo na sya papasok.

"Keith!" masayang sigaw nya.

Huminga nalang ako ng malalim. Umiling-iling din ako. Taas noo akong pumasok. And guess what, completo na pala sila sa loob. At kitang-kita ko ang excitement sa mga mukha nila.—Maliban sa Isa. Tss!

"Magandang Umaga, Master Athena." sabay-sabay nilang bati at yumuko.

Maliban sa Dalawa na hindi man lang ako binati.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon