Chapter 135

231 26 7
                                    

























Chapter 135:


































•••
•••


















































Narinig ko kay Master Anko kahapon—nung pinaliwanag nya ang bawat pangalan ng mga buildings, ay nabanggit nya na may malaking Arena sa likuran ng Classroom Building. At tama nga sya, tanaw na tanaw ko ang malaking dome ng arena. May malaking double glassdoor sa front. Napapalibutan ang buong area ng green grass. Hindi sya masyadong mahaba. Halatang nililinisan araw-araw.

Nahagip ko din sa malayo ang malaking Open-Field. May mga naglalakihang Buildings sa malayo. Pero ang mas umagaw ng pansin sakin ay ang Arena. Dahil may butas ang nakapabilog na ceiling nito. Made of Glass kaya halatang-halata ang basag nito. Bitak-bitak din ang lupa sa Main Entrance ng Arena. Parang may malaking bagay na tumama? O bumagsak?

Unti-unti ko ding napapansin ang pagdami ng mga Studyante. Hindi din naman as in madami talaga. Nakatingin din sila sa Arena. Parang nasira ang klase at naisipan nalang na lumabas at tingnan. Laglag din ang panga ng Iba.

"SEKARO! YOU IDIOT!"

Napatitig ako sa nagmamay-ari ng boses nayun. Nakita ko syang nasa harapan ng Main Entrance ng Arena, nakatayo sa bitak-bitak na lupa. Kulay Black ang kanyang buhok. Nakapang School uniform—yellow and white. Halata sa mukha nya na galit sya. Nakapameywang. Sinesermonan ang  Isang lalakeng may Spiky-Black-Hair. Hula ko ay kasing-edad lang ni Diane.

"BALIW KA BA! ANONG GINAWA MO SA ARENA!..." sigaw nanaman nya at tinuro pa ang basag na ceiling ng arena. "... LATE KA NA NGA SA KLASE!—"

"Karin."

"M-master Anko." naging mahinahon ang kanyang boses.

"Let me take care of this."

Halata sa mukha ng babae na nagdadalawang-Isip sya. Nagpabalil-balik ang kanyang tingin sa batang lalakeng sinigawan nya lang at kay Master Anko saka bumuntong-hininga.

"Okay po Master Anko." sabay Bow nya.

Napadako ang tingin ko sa lalakeng kasing edad lang ni Diane. Sya ang batang lalake na sinisermonan lang ng babaeng nangangalang 'Karin'.

Umagaw ng pansin sakin ang kanyang kakaibang ngiti. Hindi ngiti na may masamang intention. Yung ngiti sa kanyang labi na mukha ng 'smirk'. Hindi mo makikita na malalim na kahulugan. Parang normal lang sa kanyang ang ngisi sa kanyang labi, parang nakasanayan na.

Tshaka Nababasa ko sa kanyang expression na wala lang sa kanya ang pag sermon ng babaeng Karin sa kanya. Kalmado lang ang kanyang expression. Innocente lang syang bata na may kakaibang ngisi sa labi. Parang... Amusement Smile? Masaya lang sya? Wala lang sa kanyang ang ginawa nya?

Hindi sya yung tipong batang lalake na nahilig sa seryosong bagay. Nababasa ko lang ang expression sa kanyang mukha. Katulad sya ni Diane na mahilig ngumiti. Palangiti. Parang walang problema kung titingnan mo sya sa labas. Ewan ko lang kung may Masama ba syang Nakaraan.

Kilalang-kilala ko ang mga klase ng ngiti nayan...

"Detention Office. Now."

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon