Chapter 148

154 21 2
                                    





























Chapter 148:















•••
•••




















"Anong napag-usapan nyo sa Principal Office?" tanong ko kay Sophia.

Nasa Dorm Room na namin kami. Kanya-kanya na sila ng pasok sa kani-kanilang mga kwarto. Maliban kay Sophia. Dahil imbis na sa kwarto nya sya papasok, sa kwarto ko sya pumasok. Tss!

"Sinabi lang namin kung paano nagsimula yung Attack ng mga Demons. Tinanong kasi nila..." sagot nya. "... Kahit yung away nyong dalawa ni Akame Shi naikwento nadin namin. Nakakatakot yung mukha ng Principal dito..." Ipinagdikit nya ang kanyang paa. Naka-upo kasi sya sa dulo ng aking kama. Tss! "... Hindi naman mukhang mataray? Hindi din pangit. Actually maganda si Principal Suki Bergium. Pero... Parang kakaiba yung mga mata nya."

"Ang layo na ng narating mo. Tinanong ko lang kung ano yung napag-usapan nyo. Bakit nasali si Principal Suki nayan? Tss." wika ko.

"Wala lang. Hindi ko kasi makakalimutan yung mukha nya na hindi nakakatakot sa labas. Pero..." nakita ko sa pheriperal vision ko na napatingin sya sa gawi ko. "... Parang nakakatakot yung loob. You know, looks can deceive diba? Hula ko talaga na kagaya ni Minerva yang Principal Suki nayan. Iba kaya si Minerva kapag nagalit." dagdag nya.

Nananatiling nasa labas ng Veranda lang ako nakatingin. Wala naman akong tinitigan sa labas. Parang sarili ko nga ang nakikita ko dahil sa double glass door na nakaharang. Tss.

"Nakakapagtaka kung bakit kayo pa talaga ang pinapunta sa Principal Office." wika ko.

"Bakit naman?"

"Naalala kong nasabi mo na 'Tinanong kasi nila', so hindi lang nag-iisa si Principal Suki?" tanong ko.

"Hindi. Nandun si Master Anko sa tabi nya. Nagbabantay naman sa loob ang hindi ko matukoy kung sino ang mga yun."

"Bakit?"

"Nakasuot kasi sila ng Violet na Cloak. Natatakpan ang buo nilang katawan. Bale dalawa lang sila. May nakasulat sa likuran ng kanilang cloak. Lion and Tiger. Binabantayan siguro nila sina Principal Suki and Master Anko." paliwanag nya.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon