Chapter 164

135 15 16
                                    


Chapter 164:

•••
•••





Ang direksyon kung saan nanggaling sya kanina ay nandoon ang Sand City. So tama nga pala ang dinadaanan namin ni Keith kanina. Isang tingin nya lang sa Mapa, halos memorize nya na ang daan. Tss! Samantalang ako, na ako ang unang humawak, wala man lang masyadong matandaan. I mean may natatandaan naman ko, mas umagaw kasi talaga nang pansin sa akin yung buong Mapa keysa sa Sand City lang. Nakikita ko kasi ang pa Crescent Shape na nasa gitna ng Mapa.

Huminga ako ng malalim. "Nakarating ka na pala sa Sand City?" tanong ko na walang ngiti sa labi.

Hindi ako natutuwa sa pinaggagawa nya ngayon. Alam ko na may malamig syang titig, pero hindi nakakatakot. Laging salubong ang dalawang kilay at naka-krus lang ang mga braso. Kahit gumagamit kanina ng Sand Magic ay naka krus padin ang braso. Pero sa nakikita ko ngayon, Ibang-iba na sya sa Zairel Von na nakita ko kanina. Ang malamig nyang titig na hindi nakakatakot, ay naging nakakatakot. Mas lalong sumalubong ang dalawa nyang kilay. At hindi na naka-krus ang dalawa nyang braso, hiwalay na ito. Gamit nya na ang kanyang kamay sa paggawa ng isang Espada na gawa sa Buhangin.

"May alam ka ba tungkol sa pagkamatay ng Ama at Ina ko?" ulit nya sa naging tanong nya sa akin kanina.

"Oo." diretsya kong sagot.

Mabilis na umusbong ang galit nya kaya diniinan nya ang kanyang Espada na gawa sa Buhangin sa akin. Hinigpitan ko din ang pagharang ng Espada ko sa kanya. Kaso... Mas lalo akong Lumubog papailalim. Kaya mabilis kong ginamit ang Light-Chain ko at hinila ang sarili ko.

Tss! Nakalimutan ko, sakop pala ng buhangin ang buong katawan ko. Kaya wala akong makukunan na pwersa.

Nakatali sa bewang ko ang Light-Chain ko. Nagmula ito sa Ilalim ng buhangin at parang hinahawakan nito Ako para hindi na mahulog pa ulit sa buhangin. Nasa Ere ako nakalutang, nang dahil sa Light-Chain ko.

Hindi pa nga ako nakakabawi, mabilis na may papasalubong nanaman sa akin na Espada. At MALAKI! Mas lumaki sya sa normal na Espada na gawa lang ni Zairel Von kanina.

Kaya kahit nasa Ere, Isinangga ko ulit ang Espada ko. Kaso may bagong espada nanaman na papasalubong sa akin sa gilid ko. Kaya Isinummoned ko ang Pangalawa kong Light-Chain at Isinangga ito, tapos pinalupot, kaso dahil gawa sa buhangin, at kontrolado ito, hindi sya natali dahil Iniwala lang ito ni Zairel Von. Tss!

Sumilay ang ngisi sa labi ko.

Hindi ko Inakala na ganito pala kalakas tong si Zairel Von. Akala ko Isa lamang syang Fifteen years old na batang lalaki na walang ibang magawa kundi ang Ipagkrus ang dalawang braso at titigan na malamig ang mga tao. Pwes akala ko lang pala yun. Dahil sa nakikita ko... 'Light X-ray'... Sa nararamdaman ko... 'Hearing Senses'... Hindi lamang sya Isang simpleng batang lalake. Kasing lakas ni Ronnie at Eiron ang kapangyarihan sa loob ng katawan nya.

Kaya nyang mapantayan ang dalawang Royal Bloods.

"Bakit... Itinago mo ang tungkol sa pagkamatay ng Ama at Ina ko? Bakit Catarina Claes!?..." ramdam na ramdam ko ang galit sa bawat salitang binibitawan nya. "... Kaya ba para sa akin ang misyong ito.. Ang Iuwi ako.. Dahil wala na ang Ama at Ina ko... At alam mo ito.. Pero hindi mo man lang sinabi sa akin? Bakit Catarina Claes!"

"Dahil kahit hindi ko man sabihin sayo. Malalaman at malalaman mo parin ang totoo." sagot ko.

Sa tingin ko, hindi ata maganda para sa kanya ang naging sagot ko. Dahil mas lalo lang syang gumalit. Tama naman yung sinabi ko ah, malalaman nya nadin naman kapag nasa Sand City na sya. Pero... Bakit may parte sa sarili ko na nagsasabi na Sana sinabi ko nalang kanina pa? Pero kapag sinabi ko kanina, baka nga mauuna pa syang bumalik ng Sand City. Baka maiwan kami. Ang Mission ba naman namin ay ang bantayan sya at Iuwi ng ligtas. Tapos mauuna lang ang babantayan namin? Kaya paano namin sya mababantayan kung nauna na sya? Paano kami makakasiguro na ligtas sya kung naiwan kami? Kaya mas mabuti na hindi ko nalang sinabi kanina.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon