Chapter 155

137 17 7
                                    
























Chapter 155:























•••
•••
















<• CATARINA CLAES POV •>



"The 10 Minutes of the others is over. You can go now Lady Diane Ascart and Lady Catarina Cardia." wika ni Master Sukinari.

40 Minutes na ang lumipas simula nung makalabas na ang Walo dito sa classroom. Sa twing lilipas ang Sampung Minuto, may Dalawang Taong lalabas ng classroom. Nauna na sina Jessel and Ronnie. Makalipas ulit ang sampung minuto, sumunod sina Walter and Eiron. Then Julia and Night. Sampung minuto na ulit ang lumipas simula nung lumabas sina Sophia and Cylex. Kaya ngayon... Kami na ni Diane ang susunod na lalabas.

"Paalam po Master Sukinari." paalam ni Diane.

Ako ay tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng tuluyan. Naramdaman ko nalang na nakasunod na sa likuran ko si Diane. Sabay naming tinahak ang daan papuntang Elevator. Sabay na pumasok at ako ang pumindut sa pinaka-Ibaba. Nang tumunog bilang hudyat na nasa Ibaba na kami, bumukas kaagad ito... At hindi ko Inaasahan ang bubungad sa harapan naming dalawa ni Diane.

Nananatiling naka-dikit sa malinis na sahig ang aking mga paa. Ni hindi ko Ito maihakbang palabas. Kahit si Diane ay alam ko na hindi-hindi din nya Ihahakbang ang kanyang mga paa hanggat hindi ako ang uuna. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Naramdaman ko kaagad ang biglaang pagtibok ng dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Nakatingala konti ang aking mukha sa taong nakilala ko kaagad ang Itshura ng mukha. Sinubukan kong huwag tumingin sa kanyang mga mata, pero hindi ko napigilan dahil nakatingin na ang kanyang walang ka-emo-emotion na mga mata sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nandito sya at nakatayo mismo sa harapan ng Elevator. Inaasahan nya ba na nandito ako? Hindi. Impossible naman. Baka naman may pupuntahan sya sa Itaas at Itong Elevator ang sasakyan nya. Nagkataon lang na andito kami ni Diane. Baka nga yun.

Hindi ko alam kung Ilang segundo na ang nakalipas. Huminga na ako ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko lalo na ang dibdib ko na bigla nalang kumabog. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang nagtatanong na mga tingin ni Diane.

"Tara na Diane." at sa wakas, nakapagsalita ako nang hindi nagkandautal-utal.

Humakbang na ako palabas ng nakabukas na pintuan ng Elevator. Dinaanan ko ang taong nakatayo lang sa labas ng nakabukas na Elevator. Dinaanan ko sya, pero tiningnan ko sya sa peripheral vision ko at nahuli ko sya na nasa gilid ang kanyang mata, nakatingin sa akin.

Pero hindi ako huminto sa paghakbang. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko palabas ng classroom building. Pero... Naguguluhan ako sa sarili ko, parang gusto ng katawan ko na huminto at harapin ulit ang taong yun. Pero bakit ko naman gagawin yun? Principal Office ang pupuntahan ko, hindi ang taong yun. Nagkataon lang na nandun sya.

"Catarina Cardia Claes."

At bigla nalang akong napahinto sa malamig na boses na iyon.

Hindi ako napahinto dahil sa takot. Oo, malamig ang pagkakatunog ng boses nayun, pero hindi nakakatakot. Parang... Ganun talaga ang tunog ng boses nya, malamig. Pero... Bakit... Parang... Mas lumakas pa ang bawat kabog ng dibdib ko nang binanggit nya ang pangalan ko?

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon