Chapter 127

223 29 0
                                    






























Chapter 127:



































•••
•••































Habang naglalakad ay napapa-isip din ako. Maliban sa ito yung araw kung saan lumabas kami ng Academy para hanapin ang hinahanap namin ay ito din ang araw sa pagbisita ni Ate Akesha sakin sa labas. Dalawa silang nasa labas ng Academy ni Sophia. Pero ngayon ay sya nalang mag-isa. Hindi nadin sya matatawagan ni Sophia dahil nasa labas sya. Tshaka busy din siguro sya sa paghahanap. Pero hindi nya na kailangang gawin yun.

Kung nandito lang sana si Ate Akesha, edi sana masabi ko sa kanya na andito sa Academing to ang hinahanap nya. Kaso, sa sobrang layo niya, hindi na sya maabot ng Mind Communication ko. Masyadong secured ang Academy, sa kapal ng Barrier na nakaharang, hindi maabot sa labas ang ability ko.

Huminto ako sa paglalakad ng madaanan ko ang Library. Ang Library kung saan dito ko mismo nakita sa weirdong panaginip ko ang makapal na librong yun. Walang pag-aalinlangan ay pinasok ko ito. Ibinigay ko ang ID ko na naging Library Card pagkapasok ko. Nagulat pa ang Librarian nang makita ako. Pero ngumiti din naman kaagad.

"Good Morning Lady Catarina." bati nya. Kung titingnan ko, ay mukhang kasing-edad lang sya ni Minerva at sa iba pang mga Royalties. Siguro?

Tinanguan ko lang sya saka pinagpatuloy ko na ang paglilibot. Pinili ko doon maghanap sa pinakadulong bahagi ng Library. Halos familiar na ako sa bawat libro na mababasa o nadadaanan ko. Ang Iba ay nabasa ko na sa makapal na librong yun, ang Iba naman ay doon sa library ng palasyo namin.

Ang weird lang dahil Iba ang pakiramdam ko habang patingin-tingin sa mga libro dito banda. Ewan, hindi ko din madescribe. Ang weird. Tshaka parang hindi lang din ako mag-isa sa weirdong panaginip ko na pumunta dito.

May kasama ako dun...

Kaso... Ang tanong sino?

Punyeta naman kasi. Lagi nalang akong nag kakaamnesia. Parang andami ko na talagang mga bagay na nakalimutan. Tss!

"History of First Generation." basa ko sa nakasulat sa gilid ng libro. Kinuha ko yun at binuksan sa gitnang parte. "... Supreme Class." Isinara ko na kaagad. Halos mga mukha lang mga unang henerasyon ng Supreme Class. Mga mukha ng mga Royalties. Tss!

Lahat ng familiar sakin na nakasulat sa libro ay kinukuha ko at binubuksan ang gitnang bahagi na. The Five Elements. The Goddessess. The Dark Hell. The Dark Realm History. The Kingdom of Agenhor and so-on. At Isa lang ang masasabi ko sa mga nabasa ko.

Mali-mali ang mga nakasulat. Tss!

Dahil sa The Five Elements, hindi naman Fire ang pinakaunang elementong nabuo dito sa Magic World. Kundi Light. Sumunod ang Fire, Wind, Water and Earth.

Hindi din naman si Kassiopeai ang pinakaunang Goddess na umupo sa throne. Hindi din si Thea ang makapangyarihang Goddess, kundi si Kassiopeai. Nangunguna sya. Sumunod si Andromeda and Terra.

Sa Dark Hell at Dark Realm History. Hindi ako sigurado kung tama ba ang mga nakasulat at ang mga nakadrawing? Hindi ko pa kasi yan nabasa sa makapal na libro. Malay ko ba sa Dark Hell at Dark Realm nayan. Mundo yan ng Queen of Darkness and Demon of Dream. Antagonist and Deirie. Tss!

At sa Kingdom of Agenhor naman. Mali din. Ni wala ngang nakasulat na si Kassiopeai ang may gawa nyan. Nabasa ko sa makapal na libro na sya ang dahilan kung bakit nabuo ang Agenhor. Ang Anim na Stone naman sa Lustrous Academy.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon