Chapter 128

205 25 0
                                    



































Chapter 128:





















•••
•••





































Mabilis kong binuksan ang kanilang pinto. Sabay silang lahat na napalingon sakin. Gulat na gulat nang makita ako. Medyo kinakalma ko nadin ang sarili ko. Tinanggal ko nadin ang Stealth Trance. Kaya maliban sa nararamdaman na nila ako, ay nakikita nadin nila ako. Tss!

"L-lady Catarina." nautal na wika ni Beatrice Miles.

"A-ano pong g-ginagawa nyo dito?" nauutal na tanong ng Isang babae na may kulay Itim na buhok. Hangang batok lang ang haba nito. Base sa boses nya, sya si Lisa. Tss!

"Napadaan lang ako." sumeryoso ako. Pansin ko na napatayo na silang Apat. Naging alerto. Kita ko ang takot na pinipigilan nilang Iwala.

"K-kanina ka pa nandyan?" tanong sakin ng Isang lalakeng may kulay Itim din na buhok. Sa boses nya, mukhang sya ang kasigawan lang ni Lisa kanina. Ang Magulo na medyo matalino. Cain. Tss!

"Bago lang. Napadaan nga lang ako." seryoso kong sagot. Inihakbang ko ang aking Paa papasok. Napansin kong napatras sila konti.

Pagtapak ng paa ko sa makintab nilang sahig ay nakaramdam kaagad ako ng Isang malakas na enerhiyang nanggaling sa Isa sa kanilang lima. Napadako ang tingin ko sa taong yun. Sumalubong sakin ang kanyang seryosong tingin. Ni wala akong makitang takot sa kanyang mga mata. Mag-isa nalang syang prenteng-prenteng naka-upo sa upuan.

'Z-zel...'

"Do you have an appointment on one of us?" tanong ng Isang boses lalake na mukhang si Stigma or Enigma. Aba malay ko sa dalawang yan. Tss!

Napabaling na ang tingin ko sa kanya. "Wala..." sagot ko. "... Curious ako sa nakasulat sa pinto..." sabay turo ko doon kung saan nakasulat mismo ang 'SSG Councils' "... Nagbabakasakali na andito si Beatrice Miles." palihim akong napangisi ng makita ko ang reaction nila. Nag-aaway ang kanilang Isip kung naniniwala ba sila sa sinabi ko hindi.

But knowing them. Tss! Kakasabi ko lang kanina... Don't underestimate them... Isa na ang pag-iba-iba ng kanilang Personality ang pagiging delikado nila. Pero kung ikukumpara namin sila sa amin, syempre mas malakas padin kami. Tss!

"Why? May kailangan ka po ba sakin Lady Catarina?" tanong nya saka sumilay ang maganda nyang ngiti sa labi. Pero para sa akin ay mukhang napipilitan. Tss!

"Wala naman..." ngumiti ako ng tipid. Sasabihin ko na sana ang tanong na kanina pa gustong kumawala sa aking bibig, kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Dahil kapag tinanong ko yun, magdududa sila na kanina pa talaga ako sa labas at nakikinig lang. Kaya mas mabuting manahimik nalang muna ako. Saka ko na itatanong ang lintek na tanong nato sa aking Isipan kapag nakasalubong o nakita ko sya.

"... Pero..."

'Sino sina Fyre Grayven Andrada and Hilary Xielle Carcido?'

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon