Chapter 163

154 15 20
                                    

Chapter 163:












•••
•••













HINDI ko alam kung tama ba ang nilalakaran namin ngayon. Wala akong kaalam-alam. Punyeta din naman kasi tong memoring to, ako yung unang tumingin sa Mapa kanina na nasa Celestial Magic Academy pa kami, pero ako yung walang natatandaan. Samantalang itong si Keith, tiningnan nya lang ng 'ONCE' alam na alam na kaagad. Nagiging makakalimutin na kaagad ako. Tss!

Mahaba na ang nalakad namin, kalahating oras na ata kaming naglalakad dito. At ang tanging masasabi ko lang sa lugar kung nasaan kami ngayon? Ay 'Punyeta din! Tss!'. Alam kong 'Sand City' ang pangalan ng Lugar kung nasaan na kami ngayon-nasabi na sa akin ni Keith na nasa Sand City border na kami. Pero hindi ko naman enexpect na puro BUHANGIN lang ang makikita ko! Kaya pala SANA CITY. Dahil puro Sand ang lugar nato.

Kanina Oo may kahoy-kahoy at puno-puno pa. May buhangin din naman pero atleast may mga punong-kahoy, pero nang lumagpas kami sa Isang malaking harang na pader na gawa sa matigas na kahoy, sabay sabi ni Keith na "Nasa Sand City Border na tayo Cath." At bigla nalang bumungad ang lugar na walang ibang makikita kundi ang nagkukulay light-orange-brown na buhangin. Tss!

Yung Malaking Pader na gawa sa Matigas na Kahoy na napasok lang namin kanina ay isang Border daw. Kapag nakapasok ka na sa border nayun, nasa teritoryo ka na ng Sand City. Lagi lang yung bukas dahil Welcome daw lahat ng mga tao na gustong pumasok sa lugar nato. Yun ang paliwanag sa akin ni Keith kanina. Nagtataka nga ako kung bakit may alam sya. Tinanong ko sya, ang sagot sya "Those Ministry of Mages told me."

See. Sinasabi ko na nga ba na unti-unti na syang nagbabago. Dapat wala syang naaalala eh, pero meron na. Andami pa nga. Pero sa dami ng maalala nya, simula nung nahulog ako at nagsimula syang mag 'freak-out', Yung daan pabalik pa talaga ang mas nakalimutan nya. Bakit yun pa? Bakit hindi nalang yung Iba? Importante yung maalala nya yung lugar kung nasaan sya kanina para makabalik kami, pero yun talaga ang nakalimutan nya. Tss!

Biglang umihip ang hangin na may dalang buhangin. Isiningkit ko ang aking mga mata para ito ay hindi pumasok. Tuloy-tuloy parin ang lakad naming dalawa ni Keith. Walang hinto-hinto. Hindi naman ako nakakaramdam pa ng pagod at alam ko na itong Keith din ay hindi pa napapagod.

Napalunok ako. Napatingala sa kalangitan. Tiningnan ko saglit ang araw. Aaminin ko, mainit. Mainit ang sinag ng araw. Hindi sya katulad kanina na naglalakad pa lang kami sa mahabang daan, yung wala pa kami ay Mang Inilog, hindi kasing-init ng araw ngayon ang araw kanina lang. Pero ngayon Iba. Ang init-init talaga. Masakit sa balat. Pero kaya ko namang tiisin dahil hindi naman nakakasunog. Mainit lang pero hindi nakakasunog. Masakit lang, pero hindi kasing sakit nang Isang saksak ng isang Espada. Kaya kayang-kaya lang.

"I can't find any water Cath." basag ni Keith sa katahimikan.

"Huh?" nagtaka ako sa kanyang sinabi.

"I think..." pumwesto ang kanyang daliri sa aming harapan, nakaturo ito sa malayong parte. "... Isang Kilometro pa ang lalakarin natin bago tayo makarating sa Sand City."

"Huh?..." Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "... Anong Isang kilomentro pa?"

Lumingon sya sa akin " X-ray Flame..." At nakita ko ang kulay Pula nyang mga Lenses. "... The same Magic-Ability of your Light X-ray Cath. Pero sa akin ay gumagana lamang kapag mainit ang panahon. At dahil nasa Deserted place tayo, mainit ang sinag ng araw, gumagana sya. I can see it..." sabay tingin nya ulit sa harapan. "... The Sand City."

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon