Chapter 131

203 29 9
                                    






























Chapter 131:
















•••
•••















<• CATARINA CLAES POV •>




'This will be your Last Training. The Last Trial. Your Last Mission. The Final Quest. And the First Chapter...'

Tuloy-tuloy lang ang lakad namin papasok sa pinto. Madilim. Hanggang sa unti-unting sumalubong sa amin ang liwanag. Bumungad sa harapan namin ang malaking palasyo—Hindi. Mukha syang palasyo pero sa tingin ko ay Isa lamang paaralan. Masasabi ko dahil napansin ko sa pinakaibabaw nito, bandang gitna na may nakatatak na Logo.

Parang Diamond style tapos may nakadikit na Isang Moon Crescent at dalawang letters. Bale nauuna ang Moon Cresecent; nagmumukha syang letter 'C'. Tapos sumunod ang dalawang letters; na which means ay si 'M' and 'A'.

'... Say Goodbye to Lustrous Academy...'

Ano ang Ibigsabihin sa sinabi ni Duchess Hina?

"WELCOME TO CELESTIAL MAGIC ACADEMY! ROYAL BLOODS!..." sabay kaming napahinto. Nagtataka sa sigaw nayun. "... IAM MISAKI. THE MASTER OF CEREMONY. OTHER STUDENT CALLS ME 'ANNOUNCER'. AND I DIDN'T LIKE IT TO BE HONEST. HEHEHE." napatingin ako sa malaking speaker sa gilid. Mukhang doon nanggaling ang boses na iyon.

"Look guyss..." wika ni Jessel sabay may Itinuro sya. Kaya sinundan ko kung saan nakaturo ang kanyang kamay. Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa nakita ko. "... Is this all the Students in this School? I think this place is a school..." sabay libot nya sa kanyang buong paningin sa kabuuan ng paligid. "... Weird. But why are we here anyway? Bakit dito tayo dinala ni Duchess Hina? Dito na ba tayo mag-aaral? Ano namang paaralan to? And what? Celestial Magic Aca—what?..." sunod-sunod nyang tanong. Walang sumagot. "... Tsk!."

Salubong padin ang mga kilay ko. Tiningnan ko ang mga taong may Ibat-ibang kulay na suot. Nakalinya sila by row. By color din ang mga suot nila. Masasabi ko na Uniforms ito. Pansin ko din na familiar sakin ang Ibang kulay ng mga suot nila. May nakalinya sa Left-side at sa Right-side. May malaking space sa gitna. Nakalatag ang kulay pulang carpet.

"Ahh. Ano pong gagawin natin?" tanong ni Diane.

"I don't know." sagot ni Ronnie.

"Lalakad ba tayo sa Red Carpet nayan?" tanong ni Eiron.

"Ewan." sagot ni Sophia.

Nakatitig na ngayon ang tingin ko sa malaking building na nakatayo sa harapan lang namin. Tanaw na tanaw ko ito dahil sa sobrang laki at haba. Kumikinang din ito dahil sa sobrang linis at kintab ng pader. Parang gawa sa Isang crystal. Kulay puti o yellow ang kadalasang makikita ko. Nakikita ko din sa pheriperal vision ko ang ibang mga Studyanteng nagbubulungan. Hindi ko sila masyadong marinig. Masyado pa silang malayo sa pwesto namin. Hindi ko din binasa ang Isip nila. Tss!

Napalingon ako sa likuran. Mula doon ay tanaw ko ang malaking gate. Hindi ko mawari kung Ilang Feets ang haba nito. Pero kasing laki at haba sya ng Gate ng Lustrous Academy. Pero, medyo malaki padin ang sa Lustrous Academy. Kulay Puti na may pinaghalong Yellow ang kulay nito.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon