Chapter 159

151 16 16
                                    

Chapter 159:















•••
•••

















"L-lady Catarina..."

Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Tumalikod ako sabay tikhim. "Tara na..." saka humakbang na ako. "... Isipin nyong mabuti, bakit tayo maliligaw? Kung Isang daan lang naman ang meron pagkalabas natin ng CostaLestinial?" pag-iiba ko nalang ng sitwasyon.

Tumingala muna ako saglit sa kalangitan. Hindi mainit pero may araw dahil umaga pa. Natural. Tss! Base sa Itshura kung saan na ang araw ngayon, at sa pwesto ng anino ko, mukhang mag aalas-dose na. Malapit na kasi sa gitna ang araw, malapit din sa akin ang anino ko. Natural din. Tss! Pero Iba ang pinapahiwatig ko sa anino kong malapit sa akin.

May nabasa ako tungkol sa libro na kapag wala kang dalang orasan at gusto mong malaman kung anong oras na, sa Araw ka lang titingin. Kapag tumingala ka, at makikita mo ang araw sa harapan mo, nasa Ibabaw mo lang ito, Ibigsabihin Alas-dose na. Pero hindi lahat ng mga tao alam ang tungkol dyan. Saka ko nga lang naalala dahil gustong-gusto kong alamin kung anong oras na. Tss!

"Hindi tayo naliligaw. Kung yun ang nasa Isip nyo." pahabol ko.

"Hindi? Oww... Oo nga naman pala. Isang daan lang ang nadaanan natin at ang daan nato ay papunta sa destination natin. So that means..."

"Hindi po talaga tayo naliligaw Ate Ririna."

"You're right Diane."

"Apologies to him."

"Ako ba kinakausap mo Brother of Catarina?"

"Yes."

"Tsk. Alam ko noh. Mag sosorry talaga ako... Sekaro."

"P-po?"

" I'm sorry. Akala ko lang kasi talaga naliligaw na tayo. Ayoko pa naman ng ganun. Aaminin ko, wala talaga akong trust sa inyo. Sinusubukan ko nga kayong kilalanin muna para sure ako kung mapagkakatiwalaan ko ba kayo. Then narinig ko sa Prince of the Sand City nato na hindi ka pala magaling pagdating sa mga direksyon nayan so nag-alarm yung utak ko at pumasok kaagad sa Isip ko na naliligaw tayo. So I'm sorry. Sorry talaga."

"W-wala ka pong trust sa amin Ate Ririna? Kahit kay Ate Aria po?"

"Well... I admit it... Kahit kay Catarina.. Wala akong trust. I mean, na meet ko lang sya noon, ang weird nya, specially yung ability nya qwertyuiopasdfghjklz­xcvbnm."

Hanggang doon nalang ang narinig ko kay Ririna Waltz. Dahil talagang sinadya nyang hinaan ang pagkakasabi kay Diane ng sagot nya para hindi ko marinig. At dahil kanina pa ako humahakbang papalayo sa kanila, pahina na ng pahina ang mga boses na naririnig ko mula sa kanila.

"LADY CATARINA!."

Naramdaman ko sa aking likuran na palapit ng palapit ang presensya ni Sekaro Molave. Tumatakbo sya palapit sa kinaroroonan ko. Kaya huminto ako. Pagkahinto ko, naramdaman ko kaagad na may bumangga sa likod ko.

"Arayy ko naman po!..." gusto ko namang matawa nang makilala kung sino ang bumangga sa likod ko. "... B-bakit ka po huminto Lady Catarina?"

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon