Chapter 147

230 26 10
                                    



























Chapter 147:















•••
•••






















<• CATARINA CLAES POV •>



Nalaman ko na dito sa Celestial Magic Academy ay may TOWN. Matatagpuan sya sa pinakadulo ng Academy. Katabi ng town yung tinatawag nilang SOR Building. Medyo mapuno ang parteng yun. Pero sa Town nila ay hindi. 'Mages Town' ang tawag nila dito kung saan mabibili ang mga bagay na gusto ko. Kagaya lang din nung samin sa Lustrous Academy.

Kaso, hindi basta-basta na makakapunta dun. Hanggat wala kang 'Pass Card' hindi ka makakapasok. Magkakaroon ka lamang ng Pass Card kapag binigyan ka ng Teacher o Master mo. Bale sila ang magbibigay sayo nun bilang patunay na pinapayagan ka na nilang pumunta ng Town. Ang Ilang mga Studyante ay may mga ganun na. Kaming groupo nalang kaya na galing sa Lustrous Academy ang wala pa.

Nalaman ko ang tungkol dyan sa Isa sa mga 'Medical Nurses' dito. Sila yung nagbabantay sa Infirmary Room. Medyo madami sila dahil by Group yung magiging Kwarto namin sa Infirmary Room.

Nagising ako kanina sa Infirmary Room. Natulala lang. Inaalala ko kasi ang nangyare sakin bago ako nawalan ng malay. Ang tanging naaalala ko lang ay umatake ang mga Grim Reapers at si Antagonist. Dumating ang mga Immortal Hunters dala ang duguan na sina Sekaro Uzumaki or Molave at si Keith. Nag-away kami ni Akame Shi. Yun lang, maliban doon, hindi ko na maalala kung paano ako nahimatay sa gitna ng laban namin ni Akame Shi.

Pagkagising ko kanina, wala akong kasama. Walang nag-aantay sakin na magising. Walang 'Catarina', walang 'Ate Aria'. Inaasahan ko kasi na si Sophia at Diane talaga ang bubungad sakin. Ngunit Wala. Wala akong makitang mga mukha nila. Pero nararamdaman ko ang mga hindi familiar na presensya sa labas ng Infirmary Room.

Pumasok ang Isa at nagpakilala na Isa sa mga Medical Nurses or Mages dito sa Celestial Magic Academy. Incharge sa Infirmary Room. Pinaliwanag nya sakin kung ano ang nangyare sakin kung sakaling wala akong naaalala.

Ang sabi nya "Nangangalang Cylex Alexus Sarmiento ang nagdala sayo dito. Hindi ka duguan. Pero pahina ng pahina ang hininga mo. Maswerte ka dahil nagising ka ng maaga. Akala namin ay aabutin ka ng Tatlong Araw. Mabuti at ligtas kayong lahat. Wala ka mang natamong malalim na sugat, pero delikado ang Puso mo kanina. Hindi ko maipaliwanag kung ano, nagtataka din kami. Pasensya na kung yan laman ang sasabihin ko sayo."

Tinanong ko sya kung nasaan ang mga kasamahan ko. Kilala nya naman kung sino ang tinutukoy ko dahil narinig ko ang mga kasama nila na pinag-uusapan ang mga kasamahan ko. Narinig ko lang ng pangalang 'Lustrous Academy at Duchess Hina'. Nasa conclusion na kaagad ako na tungkol samin ang kanilang pinag-uusapan. Hindi ko ngalang narinig ang Iba pa dahil nasa labas lang sila ng pinto. Isang Nurse lang kasi ang pumasok at Ipinaliwanag ang kalagayan ko.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon