Chapter 134

198 24 0
                                    
































Chapter 134:

















•••
•••




































<• CATARINA CLAES POV •>







Ang kanina na madilim at bumabagyo, napalitan na ito ng Isang maliwanag na kalangitan. Wala ng ulan. Wala ng kidlat. Wala na ang sagabal na kulog. Wala na ang bagyo. Dahil unti-unti ng tumataas ang araw. Pinatigil ko ang ulan. Kagaya ng ginawa ko during kay Maiden Pia and Nurse Freya Class, ay ginamit ko ang aking 'Flare Light' para muling paliwanagin ang paligid.

Katahimikan lang ang namayani sa paligid. Nakikita ko sa pheriperal vision ko ang mga bagong mukha ng mga studyante. Sila siguro yung sinasabi ni Master Anko na galing sa Iba pang Realm. Maliban sa Apat na nakatayo sa gitna. Familiar silang Apat. Lalong-lalo na yung dalawang babaeng nakasuot ng puting cape.

"Inuulit ko. Sino sa Inyong Apat ang may kagagawan sa kidlat nayun?" tanong ko ulit.

Pero nasagot na ang tanong ko nang tumama ang tingin ko sa Isa sa lalakeng may suot na Itim na Cloak. May naka-drawing sa gitna nito na 'Red-Moon'. Katabi nya ang familiar na lalakeng may dala-dalang Axe.

Hindi ko alam kung bakit natigilan ako at napatitig sa kanyang mukha.

Black na may pinaghalong kulay Violet. Dark Eyes. Cold face. Walang emotion ang kanyang mga mata. Medyo nakakatakot din yung titig nya. Nakakamatay.

"C-catarina..." rinig kong boses ni Madonna Henrix.

Naglakad ako palapit sa kanilang kinaroroonan. Hanggang sa nakatayo na ako mismo sa harapan nilang Apat. Nakatitig din sila sakin. Syempre hindi nakaligtas sakin ang takot sa kanilang mga tingin. Gusto ko namang matawa. Nung una kasi naming pagkikita ay wala silang takot sakin, nawiweirduhan lang. Pero ngayon? Punyeta! Kahit pinipilit nila ang kanilang sarili na huwag matakot, kalma lang. Halata padin ito sa mga mata ko. Tss!

"Ikaw..." kumunot ang noo ko sabay turo sa lalakeng may dalang Axe. "... Ikaw yung lintek na Immortal Hunter na gustong makuha si Rhea diba?" seryoso kong tanong.

Hindi sya nakasagot dahil sa takot. Kaya may sumabat para sa kanya. Syempre sa boses palang familiar na. Pero mas nakilala ko sya ng magkatitigan kami.

"Yes. He is. So what?" matapang syang tumabi kay Reven.

Tandang-tanda ko talaga ang kanyang nakakainis na mukha. Ang Itim nyang buhok. Ang maldita nyang pag-uugali. Pagiging hambog nadin. Tss! Ang layo nya sa Sakura. Hindi sya blooming.

"Nagtatanong lang..." tipid kong wika. Tumalikod na ako at nagsimula na akong umalis sa kanilang harapan. Nadaanan ko si Walter. "... Tara na." matagal-tagal bago sya nakasunod sakin.

"Hey!..." napahinto ako sa boses nayun. Hinintay ko ang kanyang sasabihin. Hindi ko din sila nilingon. "... Fight us." kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Fight?..." tinagilid ko ang ulo ko. Nakatitig lang ako sa aking balikat. Sapat na para makita ko sila sa gilid ng mga mata. "... Ngayon ang simula ng klase namin. Wala akong oras makipag-away."

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon