Chapter 153

148 19 4
                                    














Chapter 153:













•••
•••












Nang magsimula nang lumabas ang Araw, lumabas na ako sa kwarto ko. Naabutan ko ang Iba. Hinihintay din ang Iba. Binati ako nina Sophia, Diane and Julia na 'Good Morning'. Binati ko naman sya. Lumabas si Jessel at mataray nya akong binati—wala namang bago sa kanya—. Tss! Hanggang sa kompleto na kami sa Living Room. Sabay-sabay na lumabas ng Dorm Room, sumakay ng Elevator paibaba at naglakad papuntang Classroom Building.

Alam kong alam namin na nasira ang Classroom Building. At nasabi ni Cylex na kung pwede ay e-che-check lang natin. Kung hindi pa pwedeng magklase edi babalik kami sa kwarto namin at doon maghintay. Saka naghintay naman kami kanina sa sala, nag-aantay kami na tumunog ang 'Telephone'. Nag-aantay kami kung tatawagan ba kami ni Master Anko para Ipaalam kung pwede na bang pumunta sa classroom building, kaso... Ang tagal tumunog kaya nga bumaba na kami. Tss!

"Oh! Si Lady Catarina!—"

"Your voice Idiot!"

Tumabi kami sa mga taga Celestial Magic Academy Students na naabutan namin na nakatayo lang sa gilid ng Classroom Building. Kagaya kahapon sa kaarawan ko, ay Walo lang sila. Wala yung dalawa. Yung medyo kamukha ata ng kapatid ni Etherious Lexer at ang Prince of Sand ang wala sa groupo nila ngayon.

"What are you doing here outside in the building?" tanong ni Jessel sa kanila.

"May Inaayos pa po ang mga Mage Ministry. Mamaya ay pwede na siguro tayong pumasok." sagot ni Elaine Lunar Dawnlight.

Napatingin ako sa Classroom Building. Kung kahapon sa Alas Dose ng gabi ay talagang sirang-sira ito, ngayon ay balik na ito sa dati. Bumalik na ang pinakamalaking Building dito sa Celestial Magic Academy. Kahapon ay nadadaanan lang namin na Inaayos pa. Pero ngayon tapos na. Ang bilis ah.

"Mage Ministry? What's that?"

" 'Who's that' po dapat ang tanong Jessel Sarmiento..." pagtatama nya. "... Mage Minstry kapag yung 'one person' ang tinutukoy. Pero Ministry of Mages po talaga ang tawag sa groupo nila. Yan ang tawag sa mga Councils namin dito na namamahala sa buong Academy. Second-In-Command ng Principal. Parang SSG Council ng sa inyo. Diba may Supreme Students Guardians din kayo?"

"Yes. But... Hindi kami close sa kanila. Tsk! By the way, How did you know?"

"Updated lang po Jessel Sarmiento."

Palihim akong napatingin sa gilid. Tinitingnan ko sa aking peripheral vision ang mga kasamahan ni Elaine Lunar Dawnlight. Naalala ko na kapag makakita daw ako ng lalakeng may Silver-White colored Hair, sya daw ang pinakamatanda sa kanila at ang pinakagwapo kaya maraming nagkakagustong mga babae sa dati nilang paaralan. Hindi sya yung hinahanap ko, nagkataon lang na sya kaagad ang nahagip ng mga mata ko. May katabi syang babae na kulay Blue ang buhok na naka Pig-Tail ang style nito.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon