Chapter 126

353 33 5
                                    































Chapter 126:



















•••
•••



























<• CATARINA CLAES POV •>

'Fyre...'

Dahan-dahan kong Idinilat ang mga mata ko. Inadjust ko pa ang paningin ko dahil masyadong blured ang nakikita ko. Hanggang sa unti-unti ko nang nakita ang familiar na ceiling. Hindi ito ang ceiling ng Infirmary Room. Kundi ceiling to ng kwarto ko. Tss!

"Catarina?..." nilingon ko ang taong yun. "... Ghadd! Ayan kananaman sa pacollapse-collapse effect mo. May sakit ka ba na hindi ko alam? May tinatago ka ba? Maliban sa mga nasabi mo na sakin. Bakit ba lagi ka nalang nahihimatay? Tapos magugulat nalang ako sa sinabi ni Nurse Freya na okay ka lang daw. Walang problema..." dahan-dahan akong umupo sa pagkakahiga. "... Nakikinig ka ba? Tinatanong kita."

"Hindi ko din alam kung bakit nahihimatay ako." napahawak ako sa gilid ng ulo ko. Inalala kung paano ako napadpad dito.

Training namin at napadpad kami sa Enchanted Hollow Kingdom. Killdone Kingdom. King Lancelot. Immortal Hunters. Seventh Colors. Enchanters. Medea and Dreymitri.

Medea...

Bakit parang Familiar talaga ang pangalang yan?

"Cath..." bumukas ang pintuan at Iniluwa doon si Keith.

Andito nga pala silang lahat. Andito pa kaya sila hanggang ngayon? O baka yung mga anak nalang nila? Tshaka Ilang oras ba akong nakatulog? Bakit ba lagi nalang akong nahihimatay? Punyeta talaga.

"... Eat this..." pinanood ko ang paglapag nya sa harapan ko ng dala-dala nyang tray. "... May nararamdaman ka bang kakaiba sa katawan mo?" tanong nya. Kumunot naman yung noo ko dun.

"Kakaiba? Wala naman..." kinuha ko na ang mga pagkain sa tray. Nagsimula na akong kumain. Inaya ko pa sila kung kakain ba sila, sabi nila okay na daw. Kumain na sila. "... Ilang oras akong tulog?" tanong ko.

"Isang araw, Catarina..." sagot nya. Napahinto naman ako sa pagnguya. Isang araw? Isang araw talaga? Punyeta! "... Tshaka cancel yung training natin kay Duchess Hina kahapon dahil wala ka..." dagdag nya. Tumango naman ako saka pinagpatuloy na ang pagkain. "... E reresume ngayong araw. Mamayang hapon daw magsisimula."

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon