Chapter 132

182 24 2
                                    

























Chapter 132:






















•••
•••
































Maaga ako nagising. Kung bakit? Dahil sa lakas ng kulog at kidlat sa labas. Oo, umuulan. Hindi lang pala sya Isang simpleng ulan, dahil nagmumukha na syang bagyo. Nagising ako dahil dun. Malakas ang ulan. Ganun din ang Ihip ng hangin. Isali mo pa pati kidlat. Nagkakaroon talaga ng vibration sa sahig sa bawat kidlat na tumatama.

Tumayo ako sa pagkakahiga. Tiningnan ko ang oras. 3:00am. Bumuntong-hininga ako at naglakad papuntang veranda. Binuksan ko ito at sumalubong sakin ang hampas ng malakas na hangin. Itim na itim ang kalangitan. Pinakiramdaman ko din ang katabi kong kwarto. Mukhang nagising din sila dahil sa bagyong to.

Tumingala ako sa kalangitan. Sumingkit ang mga mata ko.

Ang ganda ng ulap kahapon. Amoy na amoy ko ang magandang hapon. Tapos bigla nalang uulan ng hindi man lang kami pinapaalam? Punyeta namang weather to.

'Catarina?' narinig ko ang boses nya sa aking Isipan.

'Gising ako, Sophia.' wika ko sabay sara ko na sa double glass door ng veranda.

'May Dining Area ba dito, Catarina?' tanong nya.

'Malay ko. Ako ba nagmamay-ari ng paaralang to?.' sagot ko sabay hikab.

'Nagtatanong lang. Nagbabakasakali. Tch!'

'May Telephone dun sa labas. Tanong mo kaya kay Head Master Anko? Hindi ako marunong gumamit nun.'

'Okay.'

Hindi ko man kita ay mukhang lumabas na sya sa kanyang kwarto. Tumingin muna ako saglit sa labas ng veranda bago lumabas din ng kwarto. Pagkalabas ko ay umangat kaagad ang tingin ko sa harapan ko, mula sa asul na pintong yun ay lumabas si Night.

Nagkatitigan kami saglit. Sabay din umiwas at tumingin sa gilid kung saan sabay ding lumabas sina Jessel, Ronnie, Eiron and Diane. Nagkatitigan din silang Apat. Halatang nagising sa lakas ng kidlat.

"Nagising din pala kayo." basag ni Eiron sa katahimikan.

"Yeah." naglakad si Jessel papuntang Sofa saka humiga.

"Good Morning Ate Aria." habang binati naman ako ni Diane.

"Good Morning din Diane." sabay ngiti ko ng tipid sa kanya.

"Morning guys!" mula sa pang-huling pinto, ay lumabas si Julia.

"Ang Ingay." lumabas din si Walter.

"Good Morning po Ate Julia." nakangiting bati ni Diane sa kanya.

Patakbo namang lumapit sa kanya si Julia. "Good Morning my Baby Diane." at nagyakapan sila.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon