Chapter 158

300 23 39
                                    

















Chapter 158:

















•••
•••















SAMPUNG Minuto kaming nakatayo dito sa gitna ng Main Gate. Nasa loob pa kami, hindi pa kami lumalabas, pero naka bukas na yung Gate dahil hindi lang naman kami ang may mission sa araw nato.

May Ilang mga Studyante na sunod-sunod ang paglabas. Hindi ako familiar sa mga Uniforms na suot-suot nila. Ang Iba ay lumalapit sa Guard House para kunin ang HeadBand. Ang Iba ay hindi na dahil may mga WristBand na sila.

Kung 'HeadBand' pa ang suot kapag gumagawa ng Mission sa labas, Ibigsabihin nasa 'FirstPhase' pa DAW sila, pang C and D Rank Mission lang. Pero kapag 'WristBand' na, nasa 'SecondPhase' na at A and B Rank Mission na ang ginagawa.

Hindi ko man nakikita ang mga WristBand sa mga kasama ko ngayon, alam ko naman na pare-pareho na kaming mga na-promote DAW sa SecondPhase. Hindi naman kami magkakasama ngayon kung hindi kami pare-parehong nasa secondphase. Tss!

Sa Sampung Minutong lumipas sa kakahintay namin dito sa gitna ng main gate sa Isa pa naming kasamahan, ay sa wakas, dumating narin sya. Dumating na ang kanina pa naming hinihintay. Dumating na ang kokompleto samin. Tss!

"GUYSSS!!! PASENSYA NA KUNG MATAGAL AKO!..." kumakaway-kaway syang tumatakbo palapit sa kinaroroonan namin. "... HINANAP KO PA KASI ANG BAG KO!"

May Ilang Studyanteng napapadaan at napapatingin sa kanya. Habol-habol nya ang kanyang hininga pagkalapit sa amin. Nasa likuran nya ang hindi kalakihan at kulay berdeng Backpack. Kanina ay wala syang suot na Cloak, pero ngayon, meron na. Suot nya ang White Cloak na may Crest sa bandang dibdib nito. Bilang patunay na taga Celestial Magic Academy sya.

May suot din naman kaming mga Cloak's na umaabot talaga sa mga binti namin ang haba. Red Cloak kay Reisi, White Cloak kay Sekaro Molave, White Cape kay Ririna Waltz, Black Cloak kay Diane at sa Akin. Sina Keith and Zairel Von lang ang walang suot-suot na Cloak or Cape sa aming Pito. Tss!

"Tara na..." wika ko at nauna nang lumabas ng Academy. "... Mauna ka Sekaro Molave. Dahil Ikaw ang mas nakakaalam ng daan."

Tumabi sa kaliwa ko si Diane at sinabayan ako sa paglalakad.

"OKEY!"

***
***

Lumampas na kami ng CostaLestinial City. Ang Ibig kong sabihin, kanina ay sa CostaLestinial City kami pumasok, dahil yun lang ang tanging daan na dadaanin namin papuntang Sand City. Sa pinakadulo ng CostaLestinial City, may malaking Gate na nagsisilbing 'HARANG' sa mga taong hindi taga costalestinial city. Ang tawag ay 'ExitGate'.

Para makapasok dito, kailangan nila ng 'Signature' ng 'Principal' ng Celestial Academy, which mean ay si Principal Suki Bergium.

Hindi madaling makakapasok sa CostaLestinial City kung Ikaw ay taga LABAS. May mga BANTAY naman sa GATE, naka-lock din yung Gate, kaya Safe. Wala ding madadaanan sa gilid dahil sa Laki at Taas ng Pader. May 'tusok-tusok' na bagay pa ito. Tss!

Para sa amin naman na taga-Loob na talaga. Madali lang makakalabas, lalong-lalo na sa aming mga Studyante. Ipapakita lang namin ang WristBand na suot-suot namin, at yun na, bumukas na yung gate, then nasa labas na kami. Tss!

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon