Chapter 138

206 26 15
                                    






























Chapter 138:
























•••
•••












































"Final decision. Si Cylex na ang magiging Leader natin." wika ni Sophia.

Nagsipagtango nalang kami. Kanina pa sila nag-iisip kung sino ang magiging leader 'kuno' namin. Silang Apat lang dahil hindi ako kasali, busy kasi ako sa kakabasa sa nakasulat sa papel na nasa loob ng Enveloped.

Ang Mission namin ay mag-Imbestiga. Sa labas ng Academing to.

"Paglampas natin sa Main Gate. May nag-aantay satin. Sa kanya galing ang Mission nato. At sa atin Ibinigay ng Principal. Tayo ang gagawa." paliwanag ko sa nabasa ko.

"Okay. Let's go."

Tuloy-tuloy lang ang lakad namin papuntang Main Gate. May nakakasalubong kaming mga hindi familiar na mukha. Mas marami ang napapatingin samin. May Ilan na halatang pinipigilan na tumingin sa gawi namin.

Umiling-iling nalang ako at Ipinokus ko nalang ang tingin ko sa hawak kong papel.

"Ano daw ang I-imbestigahan natin?" tanong ni Walter.

Sa nakasulat sa papel, mag-I-imbestiga kami sa CostaLestinial City. Street 10, Zone D. Kung saan daw ay may mga kumakalat na balita na may mga taong mukhang bangkay at kumakain ng kapwa tao. Kailangan daw naming Imbestigahan kung totoo ba. Malayo ang 'Street 10, Zone D'. Nasa pinakadulo daw yan ng CostaLestinial. Napabayaan na ang lugar nayan. Squatter Area kung tawagin nila.

"Zombie People Case I think? Taong mukhang bangkay na kumakain ng kapwa tao. Yun ang nakasulat..." sagot ni Sophia sa tanong ni Walter. "... Hindi ba dyan nakasulat sayo?"

"Nakasulat. Tinatamad lang akong basahin." normal nyang sagot.

"Tch."

Nakasulat din sa Papel na bago kami lalabas ng Academy, kailangan naming pagpaalam sa taga-bantay ng Main Gate para makalabas. May Ibibigay sila sayo at kapag wala ka nun, hindi ka makakalabas.

"I think that's them. The Guards of the Gate." wika ni Night.

Lumapit kaming Lima sa hindi kalakihang Shelter ng mga Guards. May Isa sa kaliwa, meron din sa kanan. At nasa gitna ang mataas na Gate. Sa Kaliwa—kung hihingi ng permisyo para lumabas. Sa Kanan naman Ibibigay ang dala-dalang Enveloped kapag 'Mission Accomplished' na.

"We have a Mission." Ipinakita nya sa Dalawang Guards ang hawak nyang Enveloped.

Bored lang kaming tiningnan ng dalawang Guards na hula ko ay 10 years ang Gap samin. Isa-isa nila kaming tiningnan. Bumaba din ang tingin nila sa Crest na nasa kaliwang dibdib namin. At tumango.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon