01

67 5 0
                                    

     JUSTINE

Malalim ang bawat hingang pinakawalan ni Jastine. Kanina pa siya naka tayo at naiinis sa katabi niyang hindi man lang naging gentlemen sa kanya.

Nag aya kasi itong gagala sila at total linggo naman at walang trabaho ay pumayag siya upang hindi ma boring sa bahay.

Kung nakakamatay lang ang tingin baka patay na ang katabi niya.

"Wag mo naman akong patayin, Jastine" Umirap siya at hindi pinansin si Dew na nakaupo sa harap niya habang siya ay nangangalay na ang paa dahil sa ilang minuto ng naka tayo.

"Nangangalay na ako, sana naman ako na ang paupuin mo jan" Inis niyang wika habang inaayos ang bag niyang papahulog na sa kanyang balikat.

Dew sighed. "Ito na nga, tatayo na" Tumayo siya at si Jastine naman ay mabilis na umupo sa kinauupuan niya. "Where do you want to eat?"

"Kahit saan basta kasama ka" When itʼs come to her feelings for him hindi mahirap sa kanya na ipakita iyon kay Dew. Bakit siya mahihirapan sabihin yung tunay na nararamdaman niya kung alam na ng kaibigan niya na gusto niya ito? Tsk.

PAG BABA SA BUS Ay kaagad na kinuha sa kanya ni Dew ang bag niya upang siya na ang bumitbit.Sanay na siya doon dahil noon palang ay gawain na ng binata iyon sa kanya.

"Ang gentlemen naman ng boy friend ko" Kinikilig niyang sabi na tinaasan lang ng kilay ni Dew. Akala mo babae kung makataas ng kilay mukha naman gorilla.

Sabay silang nag lakad habang mag kahawak ang kamay.

"Letʼs have a coffee date today, Jas" Huminto sila sa harap ng isang coffe shop. Kita ang saya sa mata ni Jastine kaya naman nauna siyang pumasok sa loob.

Na mimiss na niya ang amoy ng aroma ng kape at lalo na ang binabalik balikan niyang Salted Caramel Frappe.

Pag pasok ay kaagad siyang nag hanap ng table. Hindi na niya talaga hinintay ang kasama dahil ang nasa isip niya na lang ngayon ay kumain at ienjoy ang paborito niyang inumin.

"Excited?" Tinanguan niya si Dew na kakalapit palang sa kanya. Naupo ito sa harap niya. Kinuha ang menu at doon tinuon ang atensyon. "What do you want?" Tanong pa nito ng hindi man lang siya nitignan.

"Salted Caramel Frappe as always"

"Salted Caramel Frappe" Nang makapili sa mga menu ay tumayo siya. "Wait me here"

"lagi na man kitang hihintayin"

"Whatever, Jas"

Nang talikuran siya ng kaibigan ay tinanggal ni Jastine ang Mask na suot niya. Inilagay iyon sa bag niya saka kinuha ang cellphone at in open ang instagram account. She scroll and scroll saka natigil sa nakita. Her mouth turn into 'o' saka napa takip ng bibig.

"Oh my god! This is Crazy!Oh g---" Napatigil siya sa pag sasalita. Napatingala at kaagad na napaiwas ng tingin dahil nakatingin sa kanya ang ilang taong nag tataka sa ginagawa niya. Mga marites.

"Anong tinitili mo jan?" Tanong ni Dew nang makabalik. Bitbit ang isang tray na may laman ng in order nila. "Dapat na ba akong mag selos kase tumitili ka ng hindi dahil sak--"

"Tigil!"Aniya saka kinuha ang Salted Caramel Frappe niya.

"Ano ba kasing tinitili mo jan?" Dew asked while putting his Iced coffee in the table."Care to share, Liebe?"

Jastine freeze.

Naningkit ang dalawang mata habang unti-unting itinataas ang dalalawang kilay. "You always call me Liebe?! Hindi ko nga alam kung anong meaning niyan! My god, Dew"

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now